Nurse
Nabasa ko dito yung tungkol sa nurse na multo kaya naalala ko yung nangyare samin nung 2015 sa hospital. Hindi siya actually multo but an actual living person na nagtatrabaho bilang nurse.
Buntis kasi yung mama ko at hindi nakasurvive yung baby girl. Mga 7 months old pa lang, sayang nga eh first baby girl namin yun kasi apat kaming puro lalake. I think sumpa rin samin yon kasi sabi ng tatay ko humiling muna siya sa Diyos after mag asawa na gawing puro lalake yung mga magiging anak nya, but another story na yon.
So ito yung scenario, 1am non at tatlo lang kaming nasa kwarto (Papa, ako at si mama). Maliit lang kase yung room kaya nasa tita ko yung mga kapatid ko. Si mama tulog sa kama (Kakatapos lang nung operation nya). Tas ako naman sa may lapag natulog, naglatag lang ako. Si papa, tulog na nakaupo sa isang chair. Nasa kanan nya yung door tas nasa kaliwa naman nya yung fetus na baby na nakalagay sa isang box. Ililibing na kasi namin yon kinabukasan sa taguig. Sa likod naman nya is yung CR. Nagising si papa para umihi tapos nung pagbalik nya, may nakatayo bigla na nurse sa loob ng kwarto at nakatitig lang daw siya dun sa fetus na nasa box. So tinanong siya ng tatay ko kung ano kailangan nya and sabi niya chineck lang daw nya si mama. Sinara nung nurse yung pinto then natulog ulit si papa.
Mga bandang 2am daw naccr na naman si papa kasi sobrang lamig daw. Nung pagdilat nya, andun ulit yung babae, nakatayo tas nakatitig lang talaga siya dun sa box. And that time, sobrang kinilabutan na yung tatay ko sa nakita nya. Kalmado nyang tinanong ulit pero di na daw nagsalita, umalis bigla yung nurse. Tatlong beses nangyare yon sa isang gabi lang kaya nawala antok ni papa at naghilamos na nung mga bandang 4am. Ginising na din nya ako para ilibing na yung bata. Nakahalata na daw kasi siya nung pangalawa kasi nakita nyang naglalaway na yung nurse. Taga probinsya kasi tatay ko at madami na siyang naeencounter na mga ganyan like, aswang or something. Palagay ni papa takam na takam yon dun sa fetus kasi yun daw para sa kanila yung pinaka masarap.
PS. Di na namin siya hinunting kasi wala namang ginawang masama.
PPS. May kilala kaming ganyan kaya sanayan lang.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.
