Little Girl

987 19 1
                                        

Little Girl

1st:
This happened last 2013 naka kingsize bed pa kami nun. Katabi ko yung mama ko, yung bestfriend ko at yung pamangkin ko.3am na pero nag babasa pa rin ako ng story sa wattpad habang nag babasa ako yung bintana namin parang may kumakaskas na kuko hindi ko ma explain pero para talagang yung matulis na kuko kinakaskas sa bintana namin. Eh yung pwesto ko yung ulo ko yung naka tapat sa bintana so rinig na rinig ko yung pagkaskas ng kuko, tinapat ko yung tablet ko para mailawan ko kung may kamay ba kaso wala talaga babalik na sana  ako sa pagkakahiga ng makita kong may batang babae na nasa paanan ng pwesto ko nakaupo at naka tingin sakin.

2nd:
Nangyari to nung may sakit ako. Ako lang mag isa sa bahay dahil nga yung mom ko laging nasa bahay ng lola ko ( naging personal nurse ni lola si mama ) so ayun nga po mataas po yung lagnat ko that time kaya dun nalang ako natulog sa baba ng double bed para di na ako akyat baba pa. Yung double bed katapat ng pinto ng kwarto namin so kitang kita ko yung pinto.

Habang nag sa soundtrip ako napatingin ako sa pinto ng kwarto naka bukas yun ng konti, so ayun na nga nag patuloy ako sa pag sa sound trip at pumikit dahil sobrang nahihilo ako. Saktong Little Things ng One Direction yung pinapakinggan ko nung tumingin ulit  ako sa pinto dahil nga naka bukas yun ng konti nakita ko yung bata naka suot siya ng parang gown na para siyang flower girl sa kasal kalahati lang ng mukha niya yung kita ko tinitigan ko siya mabuti dahil baka  imagination ko lang dahil may sakit ako ganun din yung ginawa nung bata tinitigan niya din ako tas habang naiisip ko na, na bakit mag kakabata dito eh ako lang mag isa sa bahay naging weird na yung tingin ko sa kanya tas yung mata niya naging red na tas tinulak niya ng malakas yung pinto sa sobrang lakas tumama sa aparador na nasa gilid kaya bigla akong napa bangon at dahil masama ang pakiramdam ko hindi ko nalang siya pinansin pumasok siya sa kwarto at nag palakad lakad

3rd:
Mag isa ulit ako sa bahay  mga 10am nun nasa taas ako ng double bed at tumutugtog gamit yung keyboard piano.

Naka indian seat ako para maka tugtog ng maayos dahil medyo malawak naman yung kama.

Tinugtog ko yung little things ng One Direction dahil yun yung kantang paborito ko

Kinakanta ko yun habang  tumutugtog ako habang kumakanta ako may sumasabay sakin na maliit na boses, boses siya ng batang babae so nagulat ako kaya tumigil ako sa pagtugtog, hininaan ko yung volume at tumugtog ulit this time hindi na ako kumakanta pero kinilabutan na ako nung time na may kumanta ulit na maliit na boses kahit na natatakot na ako pinagpatuloy ko pa rin yung pag tugtog. Habang tumatagal yung pagkanta nag babago yung maliit na boses nagiging buo na parang pang demonyo na hindi ko maintindihan kaya sa sobrang takot ko naisipan ko nalang bumaba ng kama nasa hagdan na ako ng double bed ng pagtingin ko malapit sa pinto ng c.r namin may babaeng kulay itim at pulang pula ang mata.
Kahit natatakot ako pinagpatuloy ko yung pagbaba ko sa kama pagbaba ko para siyang nakatingin sakin ng masama kaya tinakbo ko ang pinto ng kwarto namin at pagbukas ko nito nakita ko yung batang babae na naka gown

P.S: Ok lang po kung di kayo maniwala sa mga story ko shinishare ko lang naman po yung mga experience ko.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon