UBER DRIVER
September 21
Umattend ako ng birthday sa Marikina non. Hindi ako umiinom o naninigarilyo, sapat na ako sa pagkain lang. Hehe.
So around 10pm na non. Mag uuwian na kami with my college friends. Karamihan sa kanila QC/Manila yung destination. Ako, somewhere sa Marikina lang din. Dahil out of the way ako sa kanila, wala akong makakasabay. Inisip ko na mag uber na lang tutal mga 20 mins away lang naman yung bahay namin from the venue."Your uber driver has arrived"Sabi sa app. So sumakay na ako. Habang nasa byahe, napapansin ko na panay tingin ni kuyang uber driver sa rear view mirror. Mejo kinakabahan na ako kasi baka may masama syang binabalak. Lalo na kapag nakastop kami sa stoplight, ramdam ko na tingin sya ng tingin sa salamin kasi nakikita ko sa peripheral view ko yung galaw ng ulo nya. Dedma lang ako, kunyari nagseselpon lang ako. So mga 30 mins din byahe namin kasi mejo traffic pa, daming stop light sa bandang bayan. Hanggang sa nakarating na kami sa destination namin.
AKO: Kuya, magkano po?
KUYA: Ahh. Ehh. P115 po mam. *Nanginginig na boses*
AKO: *Naghahanap ng barya* Kuya may problema po ba?
KUYA: Si sir po kasi mejo masama tumingin e. *Tawang natatakot at napipilitan*
AKO: *Nagtataka* Sino pong sir?
KUYA: Yung kasama nyo po. *Tawa ulit na napipilitan*
AKO: Nako kuya! Wala naman ganyanan! *Mabilis na inabot yung pambayad at bumaba ng kotse*Sobrang kinilabutan ako sa sinabi ni kuya driver. Pumasok agad ako sa bahay at tumabi ako sa parents ko dahil alam kong di ako makakatulog. Nawalan na ako ng balita kay kuya non. Di ko rin alam kung gino-good time lang ako ni kuyang driver. Basta ang alam ko lang, pagbaba ko ng kotse namatayan sya ng makina. (Karma siguro? Haha). Ewan ko kung pareho kaming natakot ni kuya driver, kasi baka nga gimik nya lang yun. Nagmamadali na rin ako bumaba, baka ano pang masabi nya na mas ikakatakot ko. Pero pinagdasal ko na lang si kuya and yung naki-angkas samin (Kung totoo nga). Simula non, hindi na ako sumakay ng uber ng mag isa o kahit sumakay ng uber ng gabi. Nadala na ako.
Party Girl

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Hororsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.