Papa

442 17 0
                                    

Papa

Hi spookify sana mapost po tong story ko. Gusto ko lang po ikwento yung tungkol sa papa ko.

Si papa mabait naman, isa din sya sa mga masasabi kong the best father in the world. Hindi ka nya papagalitan hanggat di nya nalalaman yung side mo at kahit tipong wala na sya para sa sarili nya ibibigay nya pa rin ang gusto mo. Sa katunayan nga kaibigan ng buong brgy si pap eh, kahit na wala syang katungkulan sa politika sya pa rin ang nilalapitan ng tao.

So eto na po, dahil nga close ako kay papa. Mas madalas ko sabihin sa kanya ang problema ko. Kagaya na lang nong high school ako. Sinabe ko kay papa na lagi akong pinag iinitan ng ulo ng teacher ko kahit wala naman akong ginagawa.

Binigyan ako ni papa ng isang pirasong papel non. Sabi ni papa basahin ko daw sa harap ng teacher ko tatlong beses.

Sinunod ko yung sinabe ni papa, kinabukasan sobrang bait na sakin ng teacher ko. Binigyan nya pa po ng ulam nya nong lunch. Tuwang tuwa ako kasi nagkatotoo yung sinabe ni papa.

Isa pang experience ko non, na cyber bullying ako. As in hindi na ako makalabas ng bahay sa takot ko, nag tanong si papa non bakit hindi daw ako lumalabas sa bahay. Usually naman daw lagi akong wala sa bahay (bakasyon naman kasi)

Umiyak na ako non kay papa sabi ko sa kanya, sinisiraan ako sa social media ng kaklase ko. Nagpopost ng mga picture ko tapos may masasamang caption. Nong araw na yun don ko lang nakitang galit na galit si papa. Nakapag mura din sya sa harap ko, kahit hindi naman sya talaga nag mumura sa harap ko.

Tinanong ni papa kung anong buong pangalan ng kaklase ko, sinabe ko kay papa. Akala ko kasi hahanapin ni papa at pagsasabihan o kaya kakausapin ni papa ang magulang.

Pag pasok ko noon, nagtataka ako kasi parang walang nangyaring balita tungkol sakin nong bakasyon. Nakakapagtaka kasi puro tsismosa ang mga school mates ko kahit ata isang taon na ang nangyari pinag uusapan nila.

Pag pasok ko non sa room normal pa rin ang pangyayari. Magulo pa rin, normal makipag usap sakin ang mga kaklase ko.

Pero may isang kakaiba sa classroom namin. Yung kaklase kong nag bully sakin sa social media, wala sa klase.

Kaya tinanong ko yung kaibigan nya kung bakit hindi yun pumasok. Sabi ng kaibigan nya "Ah yun? Masyado kasing perpekto. May nilait lait na drug addict sabi ng mama nya. Kaya ayon pinutolan ng daliri at dila."

Sobrang kaba non ang naramdaman ko, pumasok sa isip ko si papa. Hindi mangkukulam o ano ang papa ko, pero nakita ko ng nangyari ito noon.

Ganito din ang nangyari noon sa kapit bahay namin, noong panahong pinag tsitsimisan si mama.

Pag uwi ko noon tinanong ko si papa. Kabadong kabado ako ng mga panahong yun kasi papa ko sya. At ayoko na magalit sakin si papa.

Sorry lang non ang sinabe sakin ni papa. Galit na galit ako sinabihan ko si papa ng masasakit na salita. Tinanong ko rin kung mangkukulam o ano ba sya. Sabi ni papa hindi naman sa mangkukulam, dinadasalan lang daw nya ang sino mang gustohin nyang maghirap. Na mana daw nya yun sa lola ko.

Sa galit ko kay papa nag layas ako non, diring diri ako. Kasi sino ba namang gugustohin maging anak ng ganong tao. Nanakit ng kapwa.

Kung saan saan ako na punta non, halos lahat ng tuloyan kung bahay nagkakasakit. Hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto ng mga paa ko mag lakad pauwi.

Pag kauwi ko nakita kosi papa may hawak na maliit na notebook. Iyak ng iyak si papa sabi nya hindi nya daw kaya na itigil yun. Sabi ko gawan nya kamo ng paraan.

Sinunog ni papa yung notebook sa harap ko, iyak na ako ng iyak kasi habang nasusunog yung notebook na susunog rin yung balat ni papa. Binuhosan ko na rin ng tubig yung notebook pero hindi namamatay yung apoy. Sabi ni papa hindi na raw mababali ang nabitawan na.

Ngayon nov 2 9 years ng patay si papa. At sinisisi ko ang sarili ko, hindi ko na inalam kung ano nga ba si papa. Sana kung nasaan man si papa mapatawad nya ako. Sana hindi na ako nakialam kay papa, sana pinag sabihan ko na lang sya. Baka sakali ngayon buhay pa ang papa ko.

Sorry po kung magulo ang kwento ko, iyak na ako ng iyak habang tinatype ko to.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon