Oobe

566 9 1
                                    

OOBE?

I need help. Ayoko na kasi maexperience to eh. Natatakot na ako. Sana may magturo sakin how to stop this.

Isa akong call center agent. Siyempre, sanay sa puyatan at hindi talaga sa tamang oras ung tulog. Pero ung kakaiba na nangyayari sakin habang palalim na yung tulog ko, since 3rd yr college pa lang ako nangyayari na. Pag nakapikit na ako at halos palalim na ang tulog ko, bigla bigla na lang manginginig buong katawan ko. Magsisimula siya sa ulo tapos mabilis na bababa hanggang sa buong katawan ko. Tapos may naririnig ako na beep sound na napakatagal ang sakit sa tenga. Tapos biglang hindi na ako makagalaw pero nakakahinga pa naman ako. Minsan kinakagat ko dila ko or gngalaw ko daliri ko sa paa. Conscious ako nun. Nakikita ko paligid ko.

Ilang taon yan nangyayari sakin. Walang pinipiling oras or lugar basta naidlip ako. Hanggang sa dumating ung time na na ccontrol ko na panaginip ko. Lucid dreaming daw yon eh. Nung una naeenjoy ko pa eh. Ang cool. Kung gusto ko lumipad eh nagagawa ko. Kung ano gusto ko mangyari, nangyayari. Pero pag nag lucid dreaming naman ako, walang halong vibration at paralysis.

Nung nag start na ako mag work, naging worst na nga. It was our Sunday shift. 9pm to 6am pasok ko nun. Pag sunday sa office, hayahay. Konti calls, kain, nuod movie, tulog. Mag 3 am na ng nakaramdam ako ng antok. So pwesto na ako. May area kami dun na tinutulugan kasi blindspot na sya eh. Di kita sa cctv. Maliit lang prod floor namin. 3 bay lang. Sa pang 3rd na bay ung blindspot. Tabi ng bintana. May station dun na walang monitor so dun ako pumwesto. Ka officemate ko si boyfriend. Sabi ko tumabi siya sakin. Nanonood kasi ibang ka officemate namin sa 1st bay. Malaki naman TV so dun sya pmwesto sa tabi ko. Baka kasi mag ikot ung kalaban (emenggard). Nakaupo ako at nakapatong ulo ko sa desk. Nakaharap ako sa bintana and since bukas ilaw sa office at madilim sa labas, kita ko pag may tao na palapit sakin. (Sorry haba. Sariwa pa eh. Haha) Palalim na tulog ko ng nanginig na katawan ko. Hndi na nman ako mkgalaw. Pero pinilit ko dumilat. Nakita ko salamin ng bintana na may lalaking palapit sakin. Katamtaman lang ang katawan at matangkad. Di ko maaninag mukha. Parang anino nga lang. Kala ko si kalaban eh. Nung nakalapit na sya sakin. May binubulong sya sakin. Hndi ko maintindihan. Pero parang Latin. Para niya akong dinadasalan. Hanggang sa tumawa siya na tawang demonyo. Nagising na lang ako dahil sa tawanan ng mga kaofficemates ko. Wala ung boyfriend ko sa tabi ko. Pumwesto sa 1st bay at dun natulog. 😤😤 simula nun hndi na ako natulog sa office.

Hndi ko na kaya ikwento ung iba. Next time na ung nangyari sakin nung birthday at ung patong patong na kabaong sa panaginip ko kasi masyado nakakatakot. Di ko keri. Eto na lang. Mas fresh pa sayo.

(11/04/2016) 12:25 AM.
Kakatapos lang namin mag usap ni boyfriend. Rest day ko. Sa office pa siya. Sa sofa ako nahiga.  Wala pa akong 2mins. nkapikit ng nanginig na naman katawan ko. Pero this time, hndi biglaan. Sinadya ko. Na control ko na din siya. Pero ang problema ko, nahirapan ako patigilin. Nakabukas mata ko. Hndi ako makagalaw. Pero alam ko, nananaginip na ako nun. As usual, andun na naman ung sounds na masakit sa tenga. May nakita akong anino ng lalake na naman. Tinanong ko siya kung sino siya. Hndi sumasagot. Ilang beses ko tinanong. Wala pa rn. Hanggang sa pinipilit ko na bumangon. Sht lang ang bigat ng katawan ko pero parang ang gaan ko. Pag malapit na ko makatayo eh hinihila ako ng katawan ko pahiga. Nakita ko ulit ung lalaki pagkahiga ko. Gumulong na lang ako sa sofa dahil gusto ko na makagalaw talaga at nalaglag ako sa lapag padapa. Ang gaan ng pagkakalaglag ko. At ng pagdilat ko, pak! Nakahiga pa rin ako sa sofa. Nasa panaginip pa rin ako. Ginalaw ko na pilit daliri ko sa paa para magising ako. At ayun, tuluyan na talaga ako nagising. 12:30 AM.

3:25 AM pa lang. Bali ginawa ko to pagkamulat ko talaga. Tapos bumwelo lang.

Any suggestions para mawala to?? Sabi ko nga, kahit umaga nangyayari so dahil panggabi ako, umaga tulog ko. Minsan dahil sa takot ko, kahit 36 hrs na ako walang tulog papasok pa rn ako ng gabi.  I need to stop this na.

Sana may makatulong. Nag research kasi ako and nabasa ko na next possible thing to happen is astral projection. But I still need further explanation. Thanks!!

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon