Sukli
Hello Spookifiers and sa mga admins! 😊 Try ko lang po ulit magshare ng story ko kahit na di pa po napopost yung mga dati ko na ring shinare. Di ako susuko mga bes! Hahaha. Sana mapost na po kahit sa fb ko lang kayo minessage. So ito na nga po.
Gabi nun, pauwi na po kami galing Cavite. Nasa jeep na kaming pamilya. So bayad bayad ganern. Tas maya maya, may sumakay na pamilya din sila. Bale medyo nagkalaman na yung jeep. Sa harapan namin sila pumwesto. Sa tapat ko yung tatay, tas sa tabi niya, walang nakaupo (may space) at yung isang pasahero dun sa pinakadulo na (dun sa entrance). Ewan ko pero parang feel ko ayaw ni tatay umurong dun sa may space, kahit na siksikan na sila. Dedma nalang po ako.
Tas sunod sunod na sila nagbayad. Biglang may inabot samin na sukli daw. So kami, inabot namin kung kanino yung sukli, pero walang umaabot. Nakatingin lang sila samin. Tinanong na namin kung kanino yung sukli, pero wala paring umaabot. Tas biglang nagsalita yung driver. "Yung sa Quiapo yan!" Tinanong namin sinong papuntang Quiapo, pero wala. Lahat kami na mga pasahero nagtinginan. Sabay sabay pa kami tumingin dun sa may upuan katabi ni tatay na nasa harap ko. Kaya pala parang iba yung feel kong nararamdaman ni tatay simula nung umupo siya don. So binalik na namin yung sukli sa driver, tas hanggang sa nakababa kami, tahimik lahat.
PS. Salamat Spookify kung mapost man 🙂
PPS. Sa mga magsasabi na baka naman nalito lang yung driver sa pagbigay ng sukli kasi maraming nagbayad, possible po yun. Pero ilan lang po yung nagbayad nun. Tatlo lang yata. Yung pamilya tsaka dalawang babae. Tsaka may kasama po yung driver na barker non, at sumang ayon rin siya na may nagbayad na papuntang Quiapo.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.