Bakit Ako?

531 9 0
                                    

Bakit Ako?
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pupunta ako ng ibang lugar o ibang bahay lagi akong may nararamdaman o may nakikitang kakaiba, nagumpisa to noong grade 4 ako dahil lumipat kami dito sa Cavite, likod ng bahay namin is bukid. Malamig, mahangin, at Tahimik. Maliit lang yung bahay kaya hindi talaga nakakatakot, but noong Araw na lumipat na kami dito, (Madaling araw po yung byahe namin non kasi hinakot pa yung mga gamit namin non) doon naka start na maka feel na parang.. iba, na parang may mali? Sa dati kasi naming bahay laging maingay, kabihasnan kasi kami dati. Galing kaming Manila kaya hindi ako gaano sanay sa tahimik na lugar. Mga Feb 2008 kami lumipat dito, mag ge-grade 4 palang ako.

Noong mga unang linggo namin dito, okay naman. Tahimik, tapos ang presko ng hangin kaya masarap mag-gala sa likod. I was with my brother that time (he's 10 yrs old) nag-lalaro kami, habulan.. tayaan, mamaya-maya hindi ko alam kung bakit biglang sumakit yung ulo ko na parang masusuka na ako, pero hindi ako makasuka, tinigil namin ni kuya yung laro tapos umuwi na kami, grabe ang lanta ko pag uwi ng bahay, sabi ni mama baka daw nilalagnat lang ako, pinainom nila ako ng gamot tapos pinagpahinga. Mga 4pm ng hapon natulog ako non, tapos nagising na lang ako ng walang damit. Nagsumpong ako non tapos sigaw ako ng sigaw, pumasok yung mama ko sa kwarto, tapos siya din nagulat kasi wala na akong damit, tinanong nya ko kung naghubad daw ba ako pero hindi kasi hindi ko naman naalala na nagising ako. Hinanap namin yung damit ko sa loob ng kulambo pero wala naman, tinawag ni mama si papa non para sabihin tapos si papa din nagulat, wala naman daw pumasok sa kwarto ko habang natutulog. Ang ginawa ni mama ay binihisan na lang ako tapos pinakain- ang taas pa rin ng lagnat ko noon. Pagkatapos naming kumain dumeretso kami ni mama sa kwarto pa patulugin na ko pero bigla naming nakita yung damit ko na nasa ibabaw ng kama ko. Nasa pinaka ibabaw talaga. Doon na nagtaka yung mama ko.

That night umalis kami, pinapunta kami ng kapitbahay namin sa mangtatawas na kilala nila, dun nalaman namin na may nasanggi daw ako na duwende at pinaglalaruan daw ako nito. Pinagdasal kami ng mangtatawas noon atsaka pinag-alay kami sa bukid, akala ko dun na matatapos yun, na pag nagalay at dinasalan namin mawawala na yung lagnat ko, pero hindi pala, kasi mas lumala pa.

After naming mag-alay nung gabing yun tinabihan ako ni mama sa pagtulog. Binangungot ako non na may isang lalaking nagbabaon ng bubog sa mga kamay ko, iyak ako ng iyak hanggang sa magising ako, iyak parin ako ng iyak, kasi nakikita ko parin yung bubog sa kamay ko, grabe yung dugo. Sobrang sakit. Nagising si mama non, natataranta. Tinanong kung ano yung nagyari saakin sabi ko may bubog sa kamay ko tapos sobrang daming dugo, tinignan ni mama pero wala naman, tinaning niya ulit ako, tsaka hinampas yung kamay ko, mas lalong bumaon yung bubog sa paningin ko tsaka naramdam ako ng sobrang sakit, iyak lang ako ng iyak tapos hindi alam ni mama yung gagawin nya, nagdasal siya habang umiiyak ako, hindi ko na alam yung sumunod na nangyari kasi nakatulog ako, pagkagising ko kinabukasan, wala namang bubog sa kamay ko, tsaka sabi ni mama na baka daw nangalay lang ako tapos binangungot.

but no..

Simula nang nagising ako ng umagang yon, parang mas naging malinaw yung panaginip ko na hanggang ngayon tandang tanda ko pa, A black guy na walang suot kahit isa, nagbasag ng mga bote atsaka isa-isang tinusok sa kamay ko yung mga bildo, hindi niya tinigilan hanggang hindi nagkakalat yung dugo ko. Yun na yung time na nagising ako.

Ilang araw pa akong nilagnat noon, hindi na mapakali nanay ko kasi nagkokumbulsyon na ko, dinala ulit ako sa mangtatawas, pero iba na yung sinabi nya.. ang sabi nya Nakatapak daw ako ng isang itim na duwende. Galit ma galit daw ito saakin, doon na natakot yung mama ko. Pero ganon parin yung advice ng mangtatawas na Alayan daw namin at dasalan lang ng dasalan.

Pero simula nang bangungutin ako noon, doon na din nagumpisa lahat ng nakakatakot na pangyayari sa buhay ko, madalas ko itong ikwento sa kaibigan ko sa pag-ganap ng ibang tao na naiisip ko, kasi baka hindi sila maniwala saakin, at baka matakot sila saakin.

Simula noong sinabi ng mangtatawas na nakaapak ako ng isang itim na duwende, doon na ako nagumpisang makakita nang mga itim na bagay. Laging dumadaan sa gilid ko, minsan nakikita ko panaginip ko, pero hindi ako pinahihirapan, minsan nakaupo lang. Minsan naman pag papasok ako ng school (Can i say the name of the school para mas specific?) sa BNTES sa may poso doon, lagi ako nakakakakita ng itim na lalaki. Sa may likod ng room namin na talahiban. Sa may Guidance office. Atsaka pag naglilinis ng garden
Sinasabi ko yun kaya mama pero hindi sya naniniwala. Gumaling ako noon sa lagnat ko pag katapos ng isang linggo, di na naulit yung masakit na bangungot. Nasanay ako, na may nakikitang itim.

Hanggang sa mag Grade 6 ako lumipat ako ng school, nag iba. Mas lalong lumala, Minsan nagsasalita sila, minsan pinagbabantaan na nila ako. I always thought na yung mga yon ay gawa lang ng isip ko.. but no.. it's creepier than i thought. Nagumpisa ulit akong bangungutin, sobrang sakit, sa bangungot ko minsan hinhiwa yung mga daliri ko, pag nagigising ako ramdam ko parin yung sakit. Nag dadasal ako tapos makakatulog agad. Gusto kong sabihin kanila mama noon ito, kaso naisip ko na baka gawa lang ng utak ko.

Naalala ko noon pumunta kami sa bahay ng tita ko sa Parañaque, bagong nilang nalipatang bahay. Unang gabi ko don, hindi ako binangungot, pero naalimpungatan ako dahil may tumawag saakin 'Ra! Ra! Ra!' Tatlong beses na pasigaw tapos maliit ang boses, ginising ko pinsan ko noon na latabi ko lang din naman, sabi niya wala daw siyang narinig. Kinabukasan, sobrang aga kong nagising, naunsa ako sa kanilang lahat, bababa na sana ako ng hagdan pero may nakita akong babae na pababa, nakaputi atsaka mahaba yung buhok, i don't know what happened, the next thing i knew, nakahiga na ako sa mga hallway papuntang hagdanan noon. Nagising ako kasi ginising ako ng tito ko tinanong ako kung anong ginagawa ko dun, pinalusot ko na lang na umihi ako sa arinola at di kinaya yung antok kasi doon na lang ako natulog. Lame excuse, i know. Pero pag sinabi ko naman sa kanila eh hindi naman sila maniniwala.

Hanggang dito nalang po muna. Ayaw ko po talagang mag part 2 kaso  sa tingin ko sobrang haba na po. Maraming Salamat po.. sorry po kung mahaba, sorry din po kung hindi kapanipaniwala. Hïindi po kasi ako magandang pag put into words sa mga na eexperience ko. I kikwento ko po yung iba, sa susunod po. Thank you. :)

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon