ILOG
Hi mga ka-spookifier! Gusto ko lang ishare ang karanasan ko. Silent reader po ako dito. Sana mapost to!
Ngayon lang po ako nakaranas ng kakila-kilabot na pangyayari sa buong buhay ko. Ito na po. Kami po ay nakatira sa lugar na hindi masyadong matao at malayo sa kabihasnan. Napapalibutan ng matatandang puno at isang mahabang ilog. Ang daanan ay lubak-lubak at paburol na kung saan maaaring makaaksidente. Ito na talaga. Habang ako'y nagbibisekleta kasama ang aking kaibigan, napadpad kami sa dakong lubak ang kalsada at malapit sa tulay. Pagabi na at walang pang bukas na mga streetlights. Kaya naman medyo madilim. Nagdesisyon ng umuwi ang aking kasama at ako naman ay naiwan sapagkat ihahatid ko pa ang pulutan na ipinabili sakin. Hanggang sa ako'y natigilan dahil nakarinig ako ng kakaibang tunog mula sa ilog. Kinilabutan ako at kinabahan pero naglakas loob ako na tignan kung ano ang bagay na iyon. Wala akong nakita na kung ano doon kundi isang aso lang. Kaya naman nagpasya akong dumiretso sa aking patutunguhan.
FAST FORWARD. Nang pauwi na ako, nadaanan ko ulit ang ilog at ako'y napatingin. Naaninag ko mula sa malayo ang dalawang batang naglalaro. Nagtaka ako dahil may naglalaro pa rin kahit pagabi at madilim na. Hindi ko sila pinansin kaya ako ay dumiretso na pauwi. Madilim na sa daan at hindi ko na masyadong makita ang kalsada. Nang biglang ako ay nasemplang! Hindi ko napansin ang malaking bato sa aking harapan. Nagtaka ako dahil kanina ay wala pa iyon. Nakita ko na naman ang dalawang batang magkaakbay at sa palagay ko ay pauwi na. Sinundan ko sila kung saan sila pupunta at napansin ko na pabalik balik lang kami sa aming dinaraanan. Binilisan ko pa ang aking pagbibiselekta upang sila ay maabutan. Nagtaka ako dahil bigla silang tumigil at ngayon ay nasa harapan ko sila habang nakatalikod sila.
Tinanong ko kung san sila pupunta. Hindi sila sumagot. Ni hindi lumingon. Tinanong ko ulit dahil baka nag-aalala na sa kanila ang kanilang mga magulang. Tsaka ko lang napansin na basa ang kanilang mga damit. Sabay silang lumingon at kinilabutan ako dahil naaagnas na ang kanilang mga mukha. Wala silang mga mata, dugo ang tumutulo mula dito. Hindi ako makakilos at nanlalamig ang pakiramdam ko. Unti-unti silang lumalapit. Napapikit ako at nagdasal. Pagmulat ko wala na sila. Umuwi na ako at hindi ako muling dumaan doon. Ang sabi nila madalas daw nagpapakita ang dalawang batang iyon. Marahil ay biktima ng karumaldumal na krimen at itinapon sa ilog.
Pasensya na po kung mahaba at hindi masyadong nakakatakot. Gusto ko lang maishare ang karanasan ko.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.
