The Weird Highschool Student
Hi spookifiers! I just want to share a story. So this story was told by my teacher. But let me introduce myself. I'm a Grade 9 student in a popular Catholic School (university) here in Pampanga. I already told this story to some of my classmates/friends. So here it goes.
Year 1992 or 1993 basta after mag-erupt nung Mt. Pinatubo ito nangyari. Yun kasing English teacher at yung co-teacher niya ang naka experience nito. That year, they're teaching na in highschool. There was a first year student who was studying sa university namin.
One day uwian na, bali yung dismissal dati sa aming university was around 2pm. So pag daw wala pang parent/guardian ang magsusundo sa mga students di daw sila makakauwi (Not sure but I think it's true). May isang student daw na naghihintay sa 1st gate ng university around 4pm na. Imagine 2pm dismissal time tapos yung student andun pa. Bali pag daw ganun na ang oras kokonti nalang daw yung mga tao sa school. Then yung atang adviser nung bata (Not sure basta teacher siya) nakita na he's waiting at the first gate. Suddenly, he approached him. The teacher asked the student kung bakit wala pa daw yung sundo niya but yung student ay binalewala yung tanong or di daw sumagot yung student.
Hinawakan ng teacher yung katawan nya then ang init daw. Maputla daw yung bata na nakita niya, yung parang may sakit talaga at nanghihina daw yung bata. Tinanong nung teacher kung ano yung address pero wala daw sagot. Tinignan ng teacher yung information ng bata sa office.
Bali yung teacher ay nagpasama sa English teacher ko na kung pwede daw ay samahan siya na iuwi yung bata sa kanila. Sumakay sila ng tricycle. Nung sinabi ng teacher yung address ng bata sa driver, hindi daw niya alam yun kung saan banda. Pero bigla daw tinuro nung bata yung papunta sa kanila. Pero yung bata hindi nagsasalita, hindi naman daw pipi.
After more than 30 mins. hindi pa daw sila nakakarating sa bahay nung bata. Basta lagi lang tinuturo nung bata yung daan.
After 1 hour or 2 hours daw sila nakarating sa barangay ng bata pero habang nagmamanaheho yung driver bigla daw bumaba yung bata. By the way, yun daw surroundings nung place na yun ay hindi sementado ang daan. And sa gilid puro mga talahib ang nandun. Grabe naman kasi yung distance from our school to Bacolor, Pampanga (Di ko alam kung anong barangay). Siguro kung pupunta ka from our school going to Bacolor mga 30 mins. lang or wala pang 30 mins. kasi magkalapit lang naman yung lugar ng school namin.
Yun nga bigla daw bumaba yung bata sa tricycle. Nun daw pagkababa nung bata, pabigla yung parang ang lakas niya. Yung parang hindi siya matamlay or whatever. Tapos may mga tao daw dun, as in andami daw. Nakarating pala sila dun mga 5 or 6pm na.
May isang tao daw na taga dun ang nagsabe ng ""Dito muna kayo, kahit kumain lang kayo o uminom."" Pero tumanggi yung teacher ko at co-teacher niya. Pero mapilit daw talaga yung mga tao. Pilit nilang inaanyaya/ininvite na kumain daw muna sila or makipagkwentuhan muna sila sa kanila kahit konting oras lang daw. Grabe yung nangyari sa teacher ko at sa co-teacher niya. Nung paalis na daw sila, pinipigilan ng mga tao na wag muna daw silang umalis. Yung feeling na pinipilit ka na kahit ayaw mo.
Syempre hindi naman nila kakilala yun. So buti nalang daw malakas yung loob nung tricycle driver. It's good din yung teacher ko and yung co-teacher niya hindi sila nagpadala. Yun nga nakaalis daw sila dun sa lugar na iyon. Pero grabe yung pakiramdam nila. Nakauwi nalang daw sila mga 8pm na.
Kinabukasan ikinwento nila ang nangyari sa kanila. Pati daw yung tricycle driver hindi niya alam yung lugar na yun even yung mga ibang teachers. Pero may mga nagsasabi na talagang ganun yung mga tao dun. Buti nalang daw hindi sila pumayag na magstay muna dun. Kasi bali-balita daw dun na sinasamba nila ang demonyo at kumakain daw sila ng tao. May isang simbahan daw dun na hindi kinikilala ng simbahang katoliko dahil meron daw mga kultura or kagawian na labag sa simbahan. At pinaniniwalaan nga nila na kakaiba sila at sinasamba daw nila ang demonyo.
Simula daw noong nangyari yun, di na daw pumapasok yung bata. Ang pakiramdam nung teacher ko and yung co-teacher niya, merong pumipigil sa kanila na maniwala dun sa mga weird na tao. And may feeling daw sila na may balak na masama yung mga tao.
Ngayong nag-aaral ako niya ikinuwento sakin, mga last September or October 2016 niya ikinuwento. Kaservice ko kasi yung teacher ko. Tapos may mga kaservice akong mga taga Bacolor then sa loob sila. Yung ambiance daw parang the same din daw, parang nadagdagan lang yung mga tao at mga bahay. Pero hindi na daw nila matandaan kung saan talaga yun. Basta nasa pinakadulo yun. Yung palang teacher ko almost 30 years na syang nagtuturo sa school namin. And yung co-teacher niya wala na daw sa school namin but nakakapag communicate pa rin sila.
Sorry kung napahaba. Real story po talaga to.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.