57

483 8 0
                                        

House Guest

Hi Spookify! I'm a huge fan and a silent reader. Di man ganun nakakatakot experiences ko but lahat yun as in nangyari sa house namin. Our house was built in 1999, but we have been living at the same lot since I was a kid, probably 6 or 7 years old? It's a compound for my mother's family.

Our house is modern, so when you get inside, very light lang ang feeling. But, habang tumatagal, we have been experiencing weird stuffs. Like, my Mom, mahilig sya sumigaw, di sya galit, pero ganun lang talaga sya, maririnig mo tinatawag ka nya, but when you look for her, wala sya. Sometimes it's the other way around, naririnig nya kami na tinatawag sya, pero wala kami sa bahay. Yung mga gamit na alam na alam mo san nakalagay, bigla nalang nawawala, and when you don't need it anymore, lalabas nalang sya nang kusa. I know its common, pero samin, it's starting to be annoying kasi it happens all the time. My Mama would always say, baka may naglalaro satin. There was even a time na kinatok kami ng Ale na di namin kilala, and asked my Mom if may baby daw ba sa bahay, o bata. Sabi ni Mama meron, and sabi nung Ale, wag daw patirahin dun, kasi nakita nya from the window, may di kami mabait na kasama sa bahay, baka mapahamak yung bata. Ako naman, since ayoko ientertain yung mga ganong idea, I just laugh if off, until finally, I myself had to experience it.

I was in high school when it happened, probably year 2004. Class starts at 6:45am so normally, my Mom would wake me up around 5am. What she usually does is, she'll open my door, and bed ko na kagad yun, tanaw na ko from the living room. If I don't wake up right away, mauupo sya sa sofa, and tatawagin nya ko while she's watching tv. But that day, she saw something else, when she called me, she said may lalakeng nakatabi sakin, and yun ang lumingon sa kanya. Takot na takot daw sya, so tinakbo nya ko sa room and she switched my light on and nawala yung lalake, pero di nya sinabi agad sakin, baka daw matakot ako. Pero that afternoon when I got home, she asked me na sa room nya nalang matulog, katabi nya and si bunso. I agreed, normal naman kasi sakin yun. So the next morning, same time, my Mom tried to wake me up, tinapik nya lang ako kasi I'm on the other side of the bed lang naman. Di daw ako magising agad, and when I finally did, pagbangon ko daw, sabi ng mama ko, may shadow na bumangon after me and sumunod sakin paglabas ng room hanggang sa CR. That time, sinabi na sakin ni Mama, sobrang takot na takot ako.

The thing is, yung bahay namin kahit nasa loob kami ng village, mapuno sya, maraming matatandang puno. Natakot si mama na baka maengkanto ako. Lumipas nalang yung panahon, medyo nakakalimutan ko na pero never na rin ako natutulog sa room ko. Naaalala ko non, may tv commercial ang carnation condensed milk for a pandan salad recipe, sobrang tuwang tuwa ako. Every time na pinapalabas sa TV, di ko pinapalagpas, sobrang nagcrave ako na para akong baliw. So sabi ng Mama ko gagawan nya ko. Sobrang excited ko, sinisilip ko lagi sa freezer if pwede na, then finally, hinain na sya. When I opened the tupperware, nahilo ako, di ko gusto yung nakikita ko and di ko alam bakit. Nagalit si mama pero nag alala sya nung nagsuka ako nang nagsuka. Pinatapon ko kay mama ung salad, bumagsak katawan ko, nanghina ako. Natakot si mama, baka daw, nagalaw ako nung lalakeng nakita nya pero instead na ipaalbularyo ako, humingi sya ng tulong sa family friend naming pastor na dasalan ako at ang bahay namin.

So yun na nga, dumating na sila, marami sila, they prayed all over the house hanggang sa labas. They threw my collection of stuffed toys and I was an avid fan of True Phil Ghost stories na books, sabi kasi nila, tinitirhan daw yun, ayoko nung una pero wala naman ako magawa. Then last stop, yung living room, we made a circle, to pray. So while praying, yung ceiling fan namin, biglang umikot, sobrang lakas, akala namin makakalas sya. Natakot kami pero sabi ng Pastor, wag pansinin. Then nung patapos na, humina naman sya hanggang sa namatay na. Sabi nung Pastor while we are praying, marami syang nakita, hindi lang yung lalake, marami pa raw. May matandang babae pa raw sa tabi ko pero nawala naman daw lahat. Since non, nawala naman yung mga weird moments sa bahay. Pero habang tumatagal, nakakaramdam na naman kami ng kakaiba, it usually happens pag may mabigat na problem sa bahay. Parang nakikisabay sila sa problema and they're preying on our lowest point. Whenever something happens, we just pray, and di nalang namin pinapansin. After all, it's still our sanctuary.

Sorry, my story is really not that scary, but take it from me, naniniwala ako na lahat ng bahay may kasama tayo. And naniniwala ako na di lahat sila mabuti, basta hold on to your faith. And make them feel na it's our house, and they would always be welcome, as long as di nila tayo ipapahamak. 😊

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon