54

514 6 1
                                        

Ate

Hi. Silent reader here.😁 Share ko lang experience namin ng kapatid ko. I'm not a story teller, I mean I'm not good sa ganto but I'll try my best para makwento ko ng maayos.

Usap usapan yung mga taong nakikita ng mga bata sa rooftop namin. In fact kami lang ang tao dito sa 3rd floor, kaming family ko. Apartment kasi to, pwede lang pumuntang rooftop yung mga nasa ibang floor pag magsasampay. Hinayaan lang namin yung kwento na yon hanggang sa dumating yung may ari ng bahay at dito nagstay sa 3rd floor para daw may kasama kami kahit papaano. Lumipas ang araw at di ko napigilang magtanong tungkol sa kwento na yon and there nalaman ko na meron naman pala talaga. Isang buong family ang kasama namin dito na hindi namin nakikita, madalas daw talaga silang nandon sa rooftop namin. Di ko alam pero natakot ako kasi lagi akong nasa rooftop kada 9pm para magpahangin. Kaya pala feeling ko may batang naglalaro at may matang nakasilip na di ko mawari kung san sya nakasilip. Nalaman din yon ng family ko hanggang dumating yung araw na umalis na yung may ari ng bahay at umuwi na silang province ulet. Starting that day nagsimula na yung mga bagay na kahit kayo ay di nyo gugustuhin.

Isang gabi naririnig namin na may nag aasikaso sa kusina nila (Nung may ari ng bahay). Tumutunog yung mga utensils nila, ang sakit sa tenga. Kung tutuusin nakalock yung pinto nila so walang makakapasok don na kahit sino para pakialaman yung mga gamit nila. Ignore nalang namin, sabi namin masasanay din kami. Tapos tumambay kami sa rooftop kasama mga kaibigan ko around 2a. Napadaan sila samin at nagkaayaang magfoodtrip at naisipan nilang sa rooftop nalang. Syempre ayoko silang matakot, pumayag ako kahit ayoko. Nagtatawanan kami habang yung isa kong kaibigan tahimik lang, maya maya nag salita sya. "Ang sama ng pakiramdam ko." Pag ganyan yan for sure may nakikita sya or may nafe-feel "Oy by! May bata sa hagdan, gusto atang makipagkwentuhan satin. Mukha naman syang mabaet." Pahabol nya, tumaas yung balahibo ko kasi di ko naman kwinento pero nalaman nya pa din. Pag uwi nila di talaga ko natulog.

Kinabukasan don ako tumambay sa bahay ng ate ko buong maghapon, half sister ko sya. Si kuya, mama at papa nasa work, naiiwan lang kami ng kapatid kong bunso. Lagi din namang wala yon sa bahay so ako lang naiiwan don. Kinagabihan kwinento ko kila mama yung nangyare nung gabi habang kumakaen kami. Sabi ni mama wag nalang naming pansinin. Hanggang natulog na kami magkatabi kami ng bunso kong kapatid. Naalimpungatan ako at nakita ko syang gising, nakaupo at may hawak na rosary. Nagkibit balikat nalang ako, baka nagppray lang so pumikit ako ulet. Pero di ako makatulog kasi naririnig ko na syang umiiyak. Ginising ko sila mama, tinatanong sya ni mama anong nangyari, iyak lang sya ng iyak at nanginginig sya, di namin alam kung bakit. Hanggang nagulat kami tinapon nya yung favorite nyang unan. Tinanong sya ulet ni mama. "Nak bakit? Magsalita ka!" Nanginginig pa din sya habang sinasabi "Ang dami nila ma, ang dami, di ko sila kaya." Kinabahan talaga ko, kinuha ko yung bible at nagbasa. Nagpatugtog pa ko ng Christian song, tinignan ko yung relo ko and it was 3am.

Sinabi ko kay mama yung oras, kumuha sya ng asin at kinalat sa bahay at nilagyan nya ng bawang yung damit ng kapatid ko which is kulay red. Mejo naging okay yung kapatid ko, hawak nya pa rin yung rosary hanggang makatulog sya. At ako nasa gilid ng kama nila mama, tabi tabi na kasi kaming natulog. Nag aantay lang ako na lumiwanag. Lumipas ang ilang linggo mejo tumahimik ang paligid namin dito sa 3rd floor. Akala namin last na yung sa kapatid ko, hindi pa pala. Isang gabi bukas ang pinto namin at sinarado ni Kuya pero di nya masara, wala namang nakaharang. Nagbiro ako at sinabing "Nakaharang kasi yung bata!" Natakot si kuya at ako na ang nagsara ng pinto. Mejo kinilabutan ako pero hinayaan ko nalang. Bago matulog nanuod pa kami ng horror movie non. Hanggang sa pare-pareho na kaming inantok at nagkaayaan ng matulog. Don na ulet kami nakahiga sa higaan namin ng kapatid ko. Pinikit ko na ang mata ko. Nang mapadilat ako, nakita ko yung bata nakatayo sa pinto namin. Moreno, lalake, mga 10 years old pero di ko na maaninag yung mukha nya, blurred e. I believe matagal na syang wala dito satin. Sinasabi nyang "Ate. Gusto ko ng ate." Papalapit sya ng papalapit, gusto kong umatras pero di ako makagalaw "Ate gusto ko din ng ate".

Gusto kong tumayo para tumakbo pero di ko na magawa kasi nakadagan sya sakin. Madilim ang paligid, gusto kong buksan yung ilaw pero di na ko makakilos. Nahihirapan na kong huminga kasi tinatakpan nya yung bibig at ilong ko. "Ate gusto ko din ng ate". Naiiyak na ko, di ko na alam ang gagawin ko, nagdasal ako sa isip ko ng Ama namin at Aba Ginoong Maria paulet ulet sa isip ko. Naramdaman ko nalang yung kagat sa paa ko dahilan para magising ako, si Mama pala. Sinabi ko lahat kay mama and same thing, nagsaboy sya ng isin sa paligid ng bahay, ganon na rin sa pinto. Pinagbihis nya ko ng red na damit at nilagyan ng bawang. Kinuha ko yung rosary at nilagay sa pinto. Kinausap sila ni mama. "Wag yung mga anak ko, di namin kayo ginugulo. Utang na loob lubayan nyo kami." Mejo gumaan na yung pakiramdam ko. Napatingin ako sa relo ko, 3am na naman. After that day nung nilagay ko yung rosary sa pinto at kinausap sila ni mama, naging okay na lahat. Meron na kaming kasama na ibang boarders dito sa 3rd floor. Di namin kwinento yung bagay na yun pero nagtatanong sila kung may pumupunta ba sa rooftop. Kasi nagigising sila sa mga yabag. Tinanong namin kung anong oras, ang sagot nila "3am lagi."

Yon po sorry kung ang haba, kung mapopost man to salamat sa tiyaga. Sa mga kaibigan kong mababasa to please wag nyo na kong i-tag salamat.☺ Mag iiwan ako ng tanong sa inyo mga ka-spookify. Ano pong meron sa 3am?

Yon lang po admin, sana nagustuhan nyo. God bless! ☺

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon