Malignant

657 11 0
                                        

Maligno

Hi. It's my very first time to share my creepy experience online. Hindi naman na bago sakin ang makakita ng multo, magkaron ng kalarong multo kasi may time talaga na nakakakita ako. Minsan dedma nalang pero may times na takot parin ako. So, here it goes.

3rd year high school ako when this unforgettable experience happened. Year 2011 yon (I guess) Bumaha non ng malaki to the point na mismong school namin e lumubog sa baha. Sa mga nakakaalam dyan sa Angono National High School di naman lingid sa inyo na bumabaha talaga dyan. So, dahil nga lumaki yung baha at ang daming araw ang nasasayang bag decide ang paaralan na maki share ng rooms sa RPSA (Regional Pilot School for the Arts) sa San Martin 10th Street ata yun. Since, anak yan ng school namin pumayag naman na don kami magklase ng kahit ilang araw.

Sabay sabay kami ng mga classmates ko na sumakay ng jeep. Angono part naman siya mga 2minutes lang byahe. Bilis no? So, yun bumaba na kami at nilakad hanggang sa 10th Street. Sa daan e sobrang ingay namin para maisantabi yung init at pagod na nararamdaman kasi malayo e.
Usual ceremony. Pambansang Awit, Panunumpa at Panata at konting mensahe Mula sa principal at sa aming mga teachers. Wag daw magkakalat, wag masyadong malikot at ingatan ang sarili kasi nga dayo lang kami sa school. Then kanya kanya ng punta ng room.
Pagpasok ko palang ng room namin iba na agad sa pakiramdam. Naisip ko nalang non na dahil siguro madilim kaya ganun. Ang arrangement ng upuan is ganto. Dalawang vacant seat, ako, at yung dalawa kong classmates na babae. Sa madaling salita dalawang vacant seat sa right side ko. Discussion ng Filipino teacher namin non at ewan ko bigla akong nahilo. Napatungo ako. Yung pagkatungo ko na yun e hindi occupied ng palad yung mata ko kahit nakatungo ako. (Sana gets nyo meaning ko, hehe) Habang nakatungo napatingin ako sa vacant seat at may nakita akong itim. Confirmed ko na babae siya dahil naka skirt na mahaba siya. Sa gulat ko e bigla akong napabalikwas at agad na tinignan ang upuan. Wala. Walang tao. ""Iba na to"" Sabi ko sa sarili ko. Umalis na yung teacher namin at naramdaman ko na parang nilalagnat ako. Dahil gusto ko Magpahinga at ang bigat ng mata ko, nakatulog ako. Nagising ako ng recess. Kumaen konte at nilibang ko sarili ko sa pangangapit bahay sa mga kaibigan ko.
Dumating ang uwian at iba na talaga ang pakiramdam ko. Ang init init pero lamig na lamig ako. Pinasya ko na maglakad kasabay yung classmate ko na kapitbahay ko rin. Sa daan pauwi, feeling ko tatlo kami. Nakarating ako sa bahay. Pinagalitan pa ko dahil nga nagkasakit ako. wala kaming pera that time. Kumaen lang ako at buti dumating si papa at bumili ng gamot.
Kinabuksan,  6am to be exact. I found myself screaming out loud dahil nakita ko yung babae sa paanan ko! Sobrang itim niya! As in.
""Mamaaaaa! May tao sa paanan ko!""
Ayun umakyat agad sila at hinanap ang babae. Wala naman daw. Nag decide sila na ilipat ako sa higaan nila sa baba. Pag tanghali, wala akong lagnat. Pag hapon na tumataas siya at lumilikot daw ang mata ko na parang sasapian. Gabi na. Pinatabi muna ako kay Mama para daw mabantayan ako. Pinatay na yung ilaw pero medyo maliwanag parin dahil bukas ang ilaw sa may hagdan. Nakita ko na naman siya sa labas ng kulambo. I freaked out. Natahimik lang si Mama at di na natulog. Binantayan niya nalang ako magdamag dahil naiibahan din pala siya sakin. Parang himdi daw ako yung katabi niya. Parang matanda na raw. Kinabukasan tinakbo na ko sa nagtatawas para magamot. Sa pagtatawas nakita nga na babaeng
itim ang gumagambala sakin. Naingayan daw samin dahil gaya ng sabi ko kanina maingay kami sa daan paakyat. Ako ang nakursonada dahil isa ako sa malakas tumawa nung panahon na yon. Ayun na hinugasan ang paa ko ng maligamgam na tubig na may pinakulong dahon ng bayabas. Matapos yun e hindi na niya ako ginulo pa.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon