Sanggot
1995... Isa ako sa mga nandun pagkatapos nang isang Malagim na pangyayari.
7 taong gulang ako noon, bagamat bata ay may sarili na akong pag iisip at nakaka intindi na. Nangyari ito sa aming Probinsya, sa Aklan. Kung nabasa nyo ang una kong kwento (Niyog) dito ay marahil alam nyo na kung pano ko ilalarawan ang aming Baryo. Tabing dagat, Puro Niyog at Tanging ilaw lang ng mga magkakalayong bahay ay bwan ang nag bibigay liwanag pag sapit nang Dilim.
May kapitbahay kami, tago natin sa pangalang "Jose", mangingisda ang kanyang hanap buhay. Mabait si Lolo Jose, Masipag at maginoo. Siya nalang ang naiwan sa bahay nila dahil nasa Maynila na ang kanyang mga anak at apo, ang asawa naman nya ay pumanaw na. Pero may lihim si Lolo Jose, at karamihan sa Baryo namin ay alam yun. Aswang si Lolo Jose, pero walang makapag patunay nun sino man sa baryo namin.
Isang araw, dumating mula maynila ang Apo ni Lolo Jose, si Erwin! Pagkakatanda ko nun ay 25 anyos na si Erwin. Pinauwi sya ng magulang nya para mag tayo ng Babuyan at para may makasama narin ang kanyang Lolo.
Nahilig sa pangingisda si Erwin at parati syang sumasama sa Lolo nya kapag lumalaot. Madaling araw sila kung mangisda.
Isang gabi, sinabihan si Erwin ng Lolo nya na Mangingisda sila ng 2:00 ng madaling araw, antayin nalamang daw sya ni erwin dahil may pupuntahan si lolo jose.
Sumapit ang 1:00 ng madaling araw, nag madaling tumayo si erwin para magkape mula sa pagkaka gising. Napansin nyang wala pa si lolo jose kaya nag almusal sya mag isa. Maya-maya pay may kumaluskos sa Pintuan nila, wari ni Erwin ay si Lolo jose na yun.
Dali-dali binuksan ni Erwin ang pinto! Bumungad sa kanya ang malaking Itim na Ibon at Lumipad pa loob ng kanilang bahay. Nag sisigaw si erwin nun, at nag pambuno sila ng ibon sa loob. Nahawakin ni Erwin ang "Sanggot" at tinaga nito ang ibon sa leeg. Mababa lang ang kisame ng bahay nila kayat di mka lipad ng maayos ang malaking ibon.
Nataga at naputol ni erwin ang uli ng ibon, ngunit pag bagsak nito ay Nanlambot ang buong katawan nya at nawalan ng malay. Si Lolo Jose ang Naka handusay at pugot ang ulo sa sahig.
Mag 8:00 na ng umaga ng may nakapansin sa bangkay ni lolo jose at ang walang malay tao na si erwin. Dinakip at ikinulong si erwin sa salang Pagpatay ng kanyang Lolo Jose. Hindi pinaniwalaan ng Korte ang dipensa ni Erwin na Aswang ang Lolo Jose nya.
"Base yan sa Salaysay at kwento ni Erwin sa mga pulis at sa Korte"

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.