Unknown Nov.1
Hi mga ka-spookify. Bago ako mag-update ng 3 unahin ko na munang i-kwento yung nangyari kahapon, sa may north cementery. Nag-update ako ng 2 the day after ko sinend yung 1 kasi gusto ko dirediretso siya. Hahaha
Madaling araw palang ng Nov. 1 gising na ako. Ilang buwan nading wala si Melvin at namimiss ko na siya ng sobra, yung mga tawa niya, mga kwento niya na kahit alam kong hindi totoo eh napapaniwala parin niya ko. Minsan iniisip ko na mag-pakita siya sakin sabihin niya kung ano ba talaga ang nangyari, bakit ganun yung nangyari saming dalawa, sakin? Pero hindi, ni isang beses hindi siya nagparamdam manlang o miski nga dumaan sa panaginip ko hindi niya nagawa. Alas singko na ng umaga nun tapos na ako mag-ayos at lahat ng dapat gawin natapos kuna, papasok na ako sa karinderya ng makaramdam ako ng hindi maganda sa paligid ko, ang bigat sa pakiramdam. Alam kong may-mangyayari nanamang hindi maganda kaya't inihanda kuna yung sarili ko. Ng mga araw nayun alam ko na lahat ng sagot sa mga tanong ko, alam ko na lahat kung sino sila. Pero hindi ko parin maalala kung paanong nangyari kay Melvin yung gabi na pinatay namin siya. Parang may pumipigil sa utak ko na alalahanin ang nangyari. Hindi ako nagkamali, pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ng bahay na tinutuluyan ko lumabas si Edwin. Saan ako dadalin ni Edwin? Hindi ko kayang kontrolin kung ano, ang gagawin at sasabihin niya sa tuwing lumalabas siya sa katawan ko. Ou ako yun pero siya. Lalaking ako? Tomboy bes? Hahaha. Sa North Cementery ko nakita ang sarili ko na nakatingin sa puntod ni Melvin. Bakit pumunta dito si Edwin? Hinihintay ko siyang magsalita pero wala ni isang salita ang lumabas sa kanya. Kung nagtataka kayo kung bakit alam ko, kasi ako padin naman yun, naririnig ko kung ano sinasabi nila, pero wala akong lakas para pigilan kung ano man ang gusto nilang gawin. Isa, dalawa, tatlo? Naguubos lang kami ng oras kakatingin sa puntod niya, hindi ko maintindihan. Unti-unti ng dumagsa ang tao sa sementeryo, nag-kakaroon narin ako ng takot kasi baka dumating na yung pamilya ni Melvin at magkaroon pa ng gulo. Wala kong kakayanan na pigilan yun ngayon pang hindi ako ang nasa katawan ko. Alas nuebe kwarenta'y singko sakto. Tumingin si Edwin sa kanan at nakita namin si Melvin. Totoong si Melvin, yung huling Melvin na nakita ko bago siya mawala. Naka-ngiti siya sakin, Ou alam kong sakin kasi alam kong alam niya ang totoo. Pero hindi masaya ang utak ko galit, bakit pati ako unti-unting nakakaramdam ng galit sa kanya. Paunti-unti rin nagkakaroon ako ng papuslit-puslit na ala-ala, na kahit kailan hindi ko pa nakita. Anong nangyayari? Ilang minuto ding nakatingin kami sa isa't-isa, tumatakbo ng tumatakbo ang oras, nabubunggo, natatamaan, napapagalitan, nasisigawan narin ako ng mga tao dahil nakaharang na daw ako sa daan, pero parang walang paki-alam si Edwin. Hindi ko maitindihan yung nangyayari.
Sigaw ng isang batang babae ang nagpabalik sa katinuan at sa sarili ko. Ako na ulit siya? Lumapit sakin ang bunsong kapatid ni Melvin na si sarah, masayang masaya siya na nakita ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil kung nandito na si Sarah nanditi nadin ang mga magulan ni Melvin na ilang saglit lang nasa harapan kuna. Parang ang bilis ng mga pangyayari, ang init sa sementeryo dahil tirik na ang araw sabayan mo pa ng mga taong nagsisik-sikan pero ang lamig ng pawis ko, nilalamig ako. Wala na akong nagawa ng paupuin ako ng mama ni Melvin, kakausapin niya daw ako. Para saan?
Tiningnan ko yung kinaroroonan ni Melvin kung saan ko siya nakita pero wala na siya.
"Walong buwan na siyang nakahiga diyan, miss na miss ko na ang anak ko iha. Mahal na mahal ko siya."
Wala akong magawa, parang may sariling buhay yung luha ko na walang tigil sa pagpatak. Hindi ko inaasahang dadating ako sa gantong tagpo na makakasamahan ko sa pagdalaw kay Melvin ang mga magulang niya. Iyak lang ng iyak ang mama niya. Ang dami niyang kinukwento tungkol kay Melvin na lalong nagpapabigat sa nararamdaman ko. Unti-unti naring nagiiba ang takbo ng dugo ko, hindi ko alam, ang alam ko lang hindi to maganda. Hindi magandang pakiramdam to para magtagal pako dito.
"Ta, gusto ko lang pong humingi ng tawad sa lahat-lahat, sa nangyari kay Melvin, maniwala po kayo tita pero..."
"Alam ko iha, alam naming hindi ikaw. Madaming beses nagkaroon ng pangitain sa panaginip si Sarah na mamatay ang kuya niya, pinapatay siya ng tatay ng kababata niyang si Carla, kung natatandaan mo pa yung palaging kasamahan ni Melvin sa tuwing uuwi siya galing ng computershop. Lahat ng pangitain na sinasabi samin ni Sarah nagkakatotoo kaya iba ang takot namin ng nagkwento samin ang anak namin tungkol sa maaaring mangyari sa anak naming panganay. Hindi namin pinansin yun pinagkibit balikat nalang namin yun dahil isa lamang yung panaginip. Pero nagkamali kami, nang unti-unti ng nagkakamabutihan kayo ng anak ko nagiiba ang pakikitungo samin ni Carla at ng pamilya niya, hindi namin maintindihan nung umpisa pero isang gabi pumunta sa bahay namin ang tatay ni Carla na lasing na lasing, nalaman naming nagpakamatay si Carla dahil sa anak namin. Mahal na mahal daw ni Carla si Melvin. Nagbanta siya na papatayin din niya ang anak namin para maging masaya ang anak niya. Nagkagulo ng gabing yun dahil hindi na nakapag-pigil ang asawa ko. Ilang araw ding lasing ang ama ni Carla nun at palaging inaabangan si Melvin pero bigo siya sa lahat ng balak niya, hanggang isang araw nabalitaan nalang namin na wala na siya, pinatay siya sa sarili niyang bahay, usap-usapan na dahil sa droga kaya nangyari sa kanya yun. Pero kami ng asawa ko hindi naniniwala, kahit na ganun yung nangyari samin at sa pamilya niya alam naming mabuting tao siya. Pero nagpasalamat narin ako sa diyos at nangyari yun, nasa isip ko nalang ligtas na ang anak ko. Pero hindi parin pala."
Isang malungkot na ngiti ang sinagot at binalik namin sa isa't-isa. Naghahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko sa mga sinasabi niya sakin. Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ano mang oras mahihimatay ako, unti-unting sumasakit ang ulo ko.
"Alam mo ba iha, nung nalaman naming patay na ang anak ko, nagalit ako syempre anak ko yun eh. Pero alam mo ba nung huling burol niya nagpakita siya sa panaginip ni Sarah, masaya siya masayang siya na nakikipaglaro sa kapatid niya. Sinabi samin ni Sarah na huwag daw kaming magagalit sayo kasi hindi naman daw ikaw ang may gawa, napinagtaka namin kasi ikaw ang may hawak ng kutsilyo na pinampatay sa kanya. Ilang araw pagkatapos ng libing nakatanggap kami ng pera galing sa mga magulang mo para manahimik, nagalit ako kasi parang binayaran nyu lang ang buhay ng anak ko. Ang sakit sakit nun para sa isang magulang. Pero nakaramdam ako ng mahigpit pero malamig na yakap, alam kong ang anak ko yun. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal ng anak ko. Hanggang sa araw araw na nagigising si Sarah na nagkwekwento tungkol sa totoong nangyari."
"MASAKIT BA JENNIFER? MASAKIT BA MAWALAN NG ANAK?"
Hindi ko mawari pero boses ni Edwin ang lumabas sa mga bibig ko. Gulat at takot ang nakita ko sa mukha ng mama ni Melvin ng mga oras na yun. Bakit? Bakit biglang ganun ang naging reaksyon ko? Umalis akong hindi nagpapaalam sa kanila, hindi maganda ang mangyayari kung mananatili pa ako sa lugar na yun. Naririnig ko pa ang tawag ni Sarah sa pangalan ko pero para kong bingi na dire-diretso palabas ng sementeryo. Ang daming tao, sik-sikan! Hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na may sinasapak na lalaki, galit na galit ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. Kung hindi ako naawat ng mga tao baka namatay kodin ang lalaki na yun, nagtatakbo akonh puro dugo ang kamay umiiyak. Lahat ng tao nakatingin sakin. Wala akong paki-alam gusto ko na lang umuwi. Alas sais ng gabi ng makarating ako sa bahay, ang bigat at ang sama ng pakiramdam ko. Gusto ko na magpahinga. Yan lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun. Humiga at tuluyan na akong nakatulog na hindi manlang naglinis ng katawan at kumain ng hapunan.
Ngayon habang sinusulat ko to, nakakaramdam ako ng gutom kasi buong isang araw kahapon ako hindi kumain. Sakit sa sikmura nun bes. Haha.
Sorry masyado mahaba, hindi ko kasi alam kung paano papa-igsiin eh. Pero salamat sa mga matiyagang magbasa.
Hi sa mga nag-comments na may sakit ako, ako na nagsasabi wala. Nagnegative nga ako diba? Sinabi ko na yung nung part 2. Ipapakita ko sainyo yung results na negative ako sa lahat ng sakit. Soon kapag tapos na ako magkwento. Hanggang dito nalang maglalaba pa ako. Byebye.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.
