61

448 5 0
                                    

Pamahiin

Masyadong maraming pamahiin sa pamilya namin na talagang pinaniniwalaan NILA. Ayokong maniwala kasi gusto kong gumaya sa mga classmate ko na normal lang buhay at walang kinatatakutan. Pero sa sobrang daming pangyayari, unti unti na rin akong naniniwala dun.

Tulad nalang nung 2013, kasal yun ng kapitbahay namin na si Kuya R. Inimbitahan niya ung tita ko kasi magkababata sila. Since may kotse ung tita ko, sabi ni Kuya R, pwede daw bang sumabay papuntang Pampanga kung san gaganapin ung kasal. Pumayag naman si tita.

Kaya pala gustong sumabay ni Kuya R sa tita ko kasi gusto pala niyang maexperience idrive ung kotse ni tita. Pinilit niya ng pinilit si tita pero ayaw ni tita kasi sinabihan na din siya ng lola ko. ""Wag na, ikaw na magdrive, masama magdrive pag ikakasal!"" (Tatlo sila sa kotse) Si tita ung driver at katabi niya si Kuya R. Si lola naman nasa backseat.

Nung malapit na sa NLEX, nagpumilit na naman si kuya R. Maluwag naman daw sa NLEX kaya siya nalang daw magddrive. Sa sobrang kulit niya, napapayag niya si tita.

Pagpasok sa toll gate, napansin ni tita na hindi pala naka seatbelt si Kuya R. Sinabihan niya na siya nalang magkakabit pero ayaw ni Kuya R. Siya nalang daw magsiseatbelt ng sarili niya.

Mga ilang segundo ang nakalipas, di pa rin makabit ni kuya R ung seatbelt niya kaya binitawan niya ung manibela at binaling niya ung tingin niya sa pagkakabitan ng seatbelt. Sumigaw si Lola. Sumigaw din si tita. Na malapit ng bumangga ung kotse sa isang poste. Ngunit huli na bago maipreno ni Kuya R ang kotse.

Wasak ung kotse sa kanang bahagi kaya si tita ung napuruhan. Nagkacrack ung buto niya sa balikat, at may sugat naman sa ulo si si Kuya R. At thank God, ligtas si Lola.

Kaya payo sa iba, wala naman sigurong mawawala kung susundin natin ang mga pamahiin. Lagi lang din tayong magdasal.

PS: Tinuloy pa rin ang kasal kahit na kakagaling lang sa ospital ni Kuya R.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon