Sabado de Gloria

1.1K 25 0
                                    

Sabado de Gloria

Hi guys 1st time mo mag-sulat dito at 1st time ko din naka-experience ng ganito.

Sakristan ako sa isang place sa cavite nakaschedule kame na mag-serve kinabukasan kase Lingo ng pagkabuhay yon and 3am dapat ready na kame para sa salubong. 11pm katatapos lang ng vigil Napag-pasyahan naming mga sakristan na dun na lang matulog sa extra-room ng parokya 2nd floor edi don na kame nag-stay actually pag-magkakasama talaga kame hindi kame makatulog kaya bumili na lang kame ng pagkain. So , kainan na kame then dumating yung isang Seminarista na naka-toka na magserve sa parokya namin bata pa siya siguro mga 18years old palang nag-seminarista na siya. Then habang nakain nag-kukwentuhan kame ng biglang may kumatok ng 2times sa pinto ng malakas. Edi natigilan kame sa pag-kukwentuhan lahat tumahimik tapos sabi nung Seminarista "" Wait. Bubuksan ko baka si Padre yan naingayan satin "" pag-bukas niya walang tao at nakapatay syempre ilaw ng buong convento kase gabe na. Wala talagang tao sumilip din kame lahat so , syempre medyo natatakot na kame pero sabi nung seminarista wag na lang pansinin tuloy na lang sa kain. Tapos after 15-20mins may kumatok nanaman ng 2times ako tumakbo agad sa pinto para buksan at pagbukas ko pag-silip ko sa baba (pag-bukas kasi ng pinto tanaw na yung loob ng simbahan kung saan nag-mimisa) may nakita akong batang tumakbo napakabilis sa sobrang takot ko sinara ko agad ang pinto at sinabi sa kanila kung ano yung nakita ko. Napag-pasyahan nung seminarista na matulog na kame. Kaya pumuwesto na kame sa kung pwede higaan at pinatay na ang ilaw (budega kasi yon lagayan ng mga istatwa ng santo) so ako dun ako sa taas ng kabinet natulog siguro mga nasa 4ft lang ang taas nung kabinet tabi ng bintana sa labas tanaw ko yung mga puno puno sa labas. Then nakatulog na ang lahat naalimpungatan ako ng 2am sakto napatingin ako sa bintana pag-tingin ko sa llabas hindi ko alam kung sya yung bata na nakita ko sa loob pero may nakita akong bata na nakatingin sakin ginising ko yung katabi kong sakristan then nagising na lahat sa sobrang ingay ko binuksan nung seminarista yung ilaw at pagbukas ng ilaw bukas yung pinto at nandun yung bata tapos napasigaw ako habang tinuturo yung pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko non kaya tinawag nila si padre tapos dinasalan ako ni padre. Nang-matapos yung dasal habang kinukwento ko kay padre yung nakita ko at kinuwento samin ni padre na yung asawa ng kapatid niya ay nag-palaglag ng baby don at inilagay sa banga ng simbahan kung saan kame nag-sstock ng holy water at pag-katapos ikwento yon ni padre , yung luhuran ng upuan sa simbahan biglang bumagsak as in sobrang lakas ng bagsak nung luhuran. Kaya pinabuksan na ni padre ang lahat ng ilaw sa simbahan. Tapos ayun tuloy tuloy na natapos na yung salubong at mass nakauwi nako at kinuwento sa parents ko ang lahat. Tapos pinatawag kami ni padre para mag-alay ng dasal para dun sa bata. 6years nakong server at yun ang pinaka di ko malilimutang experienced ko bilang altar server. Salamat sa pag-bibigay ng oras. Godbless.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon