HF1.

3.6K 81 8
                                    

| LOiSA'S POiNT OF ViEW |


"Uy, Loi?" Napakislot ako nang maramdaman ang pagsundot ni Maris sa tagiliran ko.

"Bakit ka ba nanunundot d'yan?" Sabi ko pagkatapos inirapan ko siya.

Andito kasi kami ngayon sa mall para mamili ng mga gagamitin namin for our notebooks and books. Pasukan na kasi sa monday and 4th year high school na kami ng bestfriend kong si Maris.

"Loisa, ano? Nakabili ka na ba?" Tanong sa'kin ni Maris.

"Yes, Ma'am." Sagot ko. Tapos inirapan ko na naman siya. Apurado kasi eh, atsaka parang si Mom kung magtanong.

"Akala mo ba, hindi ko napapansin?" Humarap siya sa'kin at namewang na akala mo madam.

"What?" Painosente kong tanong. Nagulat ako ng bigla niya akong piningot sa tainga.

"Aray! Maris, ano ba?" Binitiwan naman niya agad yong tainga ko. Pero feeling ko, matatanggal na talaga. Kaya hinaplos ko ang kawawa kong tainga.

"Para saan yun?" Tanong ko sa'kanya. Pero tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa cashier para magbayad ng mga pinamili namin. Wala naman akong nagawa kaya sinundan ko na lang siya.

-

Pagkatapos naming mamili sa NBS (national book store) ay kumain kami sa shakey's. Omorder lang kami ng tig-isang Carbonara pasta tapos Ice Tea. Solve na kaming dalawa nito.

"Uy?" Kinulbit ko si Maris na kanina pa tahimik. Pero tiningnan lang niya ako ng masama.

"Uy, ano ba kasing ikinagagalit mo dyan? Kanina tinatanong kita kung bakit mo ako piningot sa tainga hindi mo 'ko sinagot. Tapos ngayon naman, ang tahimik mo." Sabi ko. Tapos tumingin ulit siya sakin.

"Eh, kasi naman ikaw. Kanina mo pa ako iniirapan kapag tinatanong kita. Akala mo hindi ko 'yon napapansin?" Nagtatampong sabi niya.

Sus! Yon lang pala. Akala ko naman kung ano na? Ganito talaga si Maris, masyadong sensitive.

"Ano ka ba? Parang hindi ka na nasanay sa'kin." Sabi ko. Nilapitan ko siya tapos niyakap ko siya mula likuran.

"Ayan dyan ka magaling Miss Andalio" Napabitiw naman ako sa pagkakayakap sa'kanya. Tapos bumalik sa upuan ko.

"What?" Sabi ko. Tapos nginitian ko siya.

"Sira ka talaga. Di tayo talo Uy, huwag kang magpa-cute." Sabi niya. Pagkatapos tumawa siya ng pigil. Napagaya na lang rin ako sa'kanya.

"Excuse me Ma'am, ito na po yong order niyo." Pagkatapos ilapag ang order namin ay nilantakan ko agad ito. Gutom ako eh. Bakit ba?

(^ ___ ^)

"Excited na akong pumasok." Biglang sabi ni Maris. Sinulyapan ko lang siya, abala ako lumamon eh.

(^ ____ ^)

"Ikaw, hindi ka ba nai-excite?" Tanong niya. Tapos umiling lang ako bilang tugon.

"Hala! Bakit naman? Anyare? dati naman malayong-malayo palang ang pasukan excited na excited ka na! Anyare ngayon? Mayroon bang nangyari na hindi mo sinasabi sa'kin?" Tinitigan niya ako ng makahulugan.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon