| LOISA'S POINT OF VIEW |
"Loisa?"
"Yes, Sir?"
Nginitian niya ako.
"Pwede bang, huwag mo na ako tatawaging Sir? Ford na lang, mas gusto kong tawagin mo ako sa pangalan. Kaysa tinatawag mo akong Sir, feeling ko tumatanda ako eh." Sabi niya sabay tawa. Natawa rin ako sa sinabi niyang 'yon.
"Ah, Si---I mean, Ford? Pwede na ba tayong bumalik ng maynila?"
Namulsa siya pagkatapos naupo sa Sofa.
"No."
"Bakit hindi pwede?"
"Gabi na. And makakasama sa'yo bumyahe ng ganitong oras. Remember, you're pregnant." Seryosong sabi niya.
"Pero Si--Ford, sigurado akong hahanapin ni Kuya sa bahay. Atsaka maaga pa naman eh. I'm sure before 12 midnight nasa bahay na tayo."
Narinig kong bumuntong-hininga siya.
"Okay. Pasalamat ka, malakas ka sa'kin."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Salamat Sir este Ford."
Ginulo-gulo niya buhok ko. "Ikaw talaga! Hindi ka pa rin nagbabago."
"Kung makapagsalita ka naman dyan, parang matagal na tayong magkakilala."
Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.
"Sir Ford, nakahanda na pong pagkain." Sabay kaming napalingon kay Nay Lordes.
Tumingin sa'kin si Sir Ford. "Tara! Kain muna tayo bago bumyahe."
* KUSINA *
Habang kumakain panay ang sulyap ni Sir Ford sa'kin. Kaya hindi ko maiwasang mailang. Nahalata niya siguro 'yon. Kaya sa iba niya ibinaling ang tingin.
"Sya nga pala Hija?" Napatingin ako kay Nay Lordes na nakatingin din sa'kin.
"Ano po 'yon?"
"Huwag mo sanang mamasamain 'tong itatanong ko."
Bigla naman ako kinabahan.
"Ah, sige po. Ano po 'yon?"
"Buntis ka ba?"
Naibuga lahat ni Sir Ford ang laman ng bibig niya. Mabilis naman akong nakalapit sa'kanya at inabutan siya ng isang basong tubig.
"Okay lang kayo Sir?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ah, o-oo. Okay lang ako."
"Dahan-dahan kasi Hijo. Hindi naman mauubos agad 'yan."
"Bigla ho kasi akong nasamid. Pasensya na ho, Nay Lordes."
"Oh, sya sandali lang at kukuha ako ng basahan."
Pag-alis ni Nanay Lordes ay nakipagtitigan ako kay Sir.
Alam ko kasing dahilan lang niya 'yon para hindi ako usisain ni Nanay Lordes."Hindi niyo naman po dapat ginawa 'yon." Hindi ko natiis na sabi kay Sir.
"Ha? Ang alin?"
"Huwag na po kayong magmaang-maangan. Alam kong gusto niyo lang iligaw si Nanay Lordes para hindi niya ako usisain."
Tumikhim siya. "Alam ko kasing may kinakalaman iyang pagbubuntis mo kaya malungkot ka."
"Kahit na, Sir. Hindi ko naman maitatago ng habang panahon sa mga tao itong kalagayan ko."
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018