HF34.

884 30 16
                                    

| MCCOY'S POINT OF VIEW |




Gabi na ako nakauwi sa bahay.
Pagpasok ko sarado na lahat ng mga ilaw. Tanging liwanag na lang mula sa mga poste sa gate and sa pool area ang nagsisilbing liwanag ng buong kabahayan namin. Papasok na sana ako sa loob ng may maaninag akong bulto na nakaupo sa bench malapit sa pool. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makilala ko kung sino? Si Loisa. Ano kayang ginagawa niya dito ng ganitong oras?


"Ahem!"

Napatayo siya ng marinig ang kunwa'y pagtikhim ko.


"Kuya?"


"Bakit gising ka pa?"


"Hindi ako makatulog, Kuya. Ikaw, bakit ngayon ka lang?"


"Hindi kasi ako pinapauwi ni Elisse kanina. Kaya hinintay ko pa siyang makatulog. Para makauwi dito sa bahay."

Lumapit ako sa kanya.
At sabay kaming naupo.


"Ikaw, bakit hindi ka makatulog? May problema ka ba?"

Hindi siya umimik.
Humugot lang siya ng malalim na hininga.


"Loisa, kung may problema ka. Wag kang mahihiyang magsabi sa'kin. Andito lang ako, handang makinig anumang problema mayroon ka."

Tumingin siya diritso sa mga mata ko.

"Kuya, nag-uusap pa ba kayo ni Ronnie?"

"Well, may ilang buwan na rin kaming walang kontakan ni Ronnie. Hindi ko nga alam kung ano ng nangyayari sa taong 'yon eh. Bakit? Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ulit?"

Napayuko siya.
At hindi niya maitatago ang lungkot sa mga mata niya.


"Loisa, bakit hindi mo siya subukang kausapin. Wala naman masama kung minsan, mauunang lumapit ang babae sa lalaki. Lalo na kung sa mga ganitong sitwasyon."


"Natatakot kasi ako eh."

"Saan? Saan ka natatakot?"

"Natatakot na baka, baka hindi pa siya handa. Na hindi pa siya handang bumalik sa'kin."

"Yun ba talaga ang dahilan? O natatakot ka na, baka may iba na siya."

Mas lalong lumungkot ang mukha niya. At hindi ko napigilan na hawakan siya sa magkabilang pisngi niya.


"Don't think about negative things. Just be positive. I know him. He's my bestfrind and I know how much he loves you. Trust me."


"Kuya, may sasabihin ako sa'yo. But promise me, no matter what happens. Hindi mo 'to sasabihin kahit kanino. Kahit kay Ronnie. Gusto kong sa'kin pa rin manggaling 'to."

Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. And kinabahan at the same time.

"Loisa, may sakit ka ba? May taning na ba ang buhay mo?"

"Kuya naman eh, pati ba naman ikaw?" Naiinis na inirapan ako.


"Ito naman, para binibiro lang eh. Okay. Ano ba 'yong gusto mong sabihin?"

Sumeryoso siyang tumingin sa'kin. Napalunok naman ako ng laway dahil pakiramdam ko mag cocollapse ako sa kaba dahil sa sasabihin niya.


"Kuya, buntis ako."


Ano daw?
Nabibingi na ba ako?
O tama talaga ang narinig ko.


"Kuya? Sabi ko buntis ako."


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon