HF39.

944 35 7
                                    

RONNIE'S POINT OF VIEW
❤❤❤






Naalimpungatan ako na parang may umiiyak. Imumulat ko sana ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Sue sa tabi ko.
Mayroon siyang sinasabi na hindi ko masyadong marinig dahil pabulong lang pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang huli niyang sinabi na gumulat sa'kin.





"---Gagawin ko ang lahat para mailayo kita sa kanila. Lalong-lalo na kay Loisa. Hindi mo dapat malaman ang tungkol sa kanya. Hindi mo dapat malaman na siya talaga ang babaeng minamahal mo at hindi ako."




Tiim-bagang na nagmulat ako ng mga mata. Nakita ko siyang nakayuko habang umiiyak. Pero imbes awa ang maramdaman ko, galit. Galit dahil niloko niya ako at pinag-sinungalingan.






"Tama ba lahat ng narinig ko?" Pagalit kong tanong na ikinagulat niya.





"R-ronnie?" Hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan ko.





"Magsalita ka. Tama ba lahat ng narinig ko?"




"Ha? Anong---"




Bigla ko siyang hinawakan ng mahigpit sa kamay niya. At kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.




"Isang tanong, isang sagot. Tama ba lahat ng narinig ko?"





"Sweet---"





"Tama ba?!" Napasigaw na ako dahil halata ko sa kanya na gusto niya akong iligaw sa topic. At tuluyan na nga siyang hindi naka-imik.




Binitiwan ko siya at umayos ng upo.





"Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko? Kailan mo pa ako pinapaniwala sa kasinungalingan, Sue?"





"Ronnie, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya."




Galit na galit na tumingin ako sa kanya. "Hindi sinasadya? That's bullshit Sue!" Napapitlag siya dahil sa sigaw kong 'yon. Kuyom ang kamaong nasuntok ko na lang ang sofa na inuupuan ko.





"Nag tiwala at naniwala ako sa'yo. Pero lolokohin mo lang pala ako. Why? Why did you do this to me? Magsalita ka. Give me an explanation."





"Because I love you. Ginawa ko yun kasi mahal kita Ronnie. Mahal na mahal kita. Hindi ko matanggap na pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa'yo. Si Loisa pa rin ang mahal mo. Nagpaubaya ako noon dahil alam kong hindi ako mananalo. Pero nung nag cool off kayo ni Loisa at ibinigay mo sa amin ni Arthur ang oras mo. Nanumbalik ang pagmamahal ko sa'yo. Naging mas malapit ka sa'kin, sa amin ni Arthur. Kaya nung na-aksidente ka at nawalan ng alaala. Hindi ko sinayang ang pagkakataong 'yon para maging asawa at ama ni Arthur. Patawarin mo ako Ronnie. Patawarin mo ako.!"





Umiling-iling ako. "Hindi ko alam Sue. Pagkatapos ng paliwanag mo, hindi ko makapa sa puso ko ang awa. Dahil mas lalo akong namumuhi sa'yo ngayon. Sa ospital pa lang ramdam ko na, ramdam ko na parang may kulang. Pero hindi pa rin kita pinagdudahan. Sa halip, pinagkatiwalaan kita. Binigay ko sa'yo ang tiwala ko ng buong-buo. Naniwala ako sa'yo Sue!"




"Kaya nga humihingi ako ng tawad Ronnie. Patawarin mo ako. Para mo ng awa!"





"I'm sorry pero hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari." Tumayo ako at tinungo ang pinto palabas ng room ni Arthur.





"Ronnie!"




Hindi na ako nag-abala pang lumingon. Nag diri-diritso lang ako hanggang makalabas ng tuluyan sa silid na 'yon.





HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon