HF47.

889 35 4
                                    

---

Hapon na ng magising ako.
Naglinis muna ako ng katawan bago bumaba ng bahay.

Nasa hagdan pa lang ako ramdam ko na ang katahimikan ng buong bahay. Nangunot naman bigla ang noo ko.

At tulad ng iniisip ko wala ngang kahit isang tao sa loob ng bahay. Kaya naisip kong hanapin sila sa labas pero tulad sa loob wala rin sila sa labas.

"Saan naman kaya nagpunta ang mga tao dito sa bahay ni Tita She? Nasaan si Kuya Mccoy?" Bulong ko sa'king sarili.

Pansamantala akong naupo sa upuan malapit sa hardin. At kinuha ko ang cellphone ko sa pocket. Wala ng ibang paraan kundi ang tawagan si Kuya Mccoy upang alamin kung nasaan sila? At bakit nila ako iniwang mag-isa?

Dialling...
Kuya Mccoy.

Ring lang ito ng ring at mukhang walang balak na sagutin ni Kuya.

"Hmmm.."

Muli kong dinial ang number niya. Pero hindi pa rin niya sinasagot.

"Ano ba 'yan! Bakit ayaw ni Kuya sagutin ang tawag ko." Naiinis na napasabunot na ako ng buhok.

Sa ika-limang tawag ko sa'kanya ay sinagot niya pero agad rin niyang pinatay. Tapos nagpahabol agad siya ng text sa'kin.

[From : Kuya Mccoy.
Sorry Loi, nandito kami sa
resort nina Tita She. Hindi
ka na namin isinama dahil
mahimbing ang tulog mo
kanina, sorry Loi.]

---

[To : Kuya Mccoy.
What? Dapat ginising niyo
pa rin ako hindi 'yung iniwan
niyo akong mag-isa dito. 😡]


---


[From : Kuya Mccoy.
Okay. I'm really sorry.
Wag ka na magalit dyan.
Malapit na rin naman
kaming umuwi dyan. Kaya
hintayin mo na lang kami ☺️]

---


Hindi na ako nag reply kay Kuya Mccoy. Naiinis kasi talaga ako sa'kanya. Hindi man lang niya naisip kung anong pakiramdam ng maiwan. Tss.

Muli akong bumalik sa kwarto ko habang wala pa sila. Sigurado naman na mamaya pa ang uwi ng mga 'yon. Pagdating sa kwarto ay tumihaya ako sa kama. Pagkatapos pinagmasdan kong mabuti ang kisame. Hanggang sa unti-unting rumihestro ang mukha ni Ronnie.

"Nasaan ka na ba? Bakit parang hindi mo na ako naalala. Miss na miss na kita Ronnie."

Agad akong bumangon at pinahid ang luha na namuo sa mga mata ko. Pagkatapos kinuha ko ang cellphone sa pocket ng short ko. Agad kong hinanap ang pangalan niya sa phonebook ko. Nagdadalawang isip ako kung idi-dial ko ba o hindi?


"Argh!"


Humugot muna ako ng malalim na hininga pagkatapos ay pinindot ko ang call key.


Dialling...
Beh ❤️

Tulad ng mga nagdaang araw ring lang ng ring ang cellphone niya hanggang sa mamatay. Kaya muli ko 'yong idinial hanggang limang beses pa. Pero hindi pa rin niya sinagot.


"Last. Kapag hindi ka pa sumagot. It's over." Sabi ko sa sarili ko bago muling dinial ang number niya.



Dialling...
Beh ❤️


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon