HF16.

1.1K 43 6
                                    

| MCCOY'S POINT OF VIEW |

"Babe, ready na ang food." Malambing na sabi sa'kin ni Elisse. Napangiti naman akong nilapitan siya.

"O sige, hanapin ko lang muna sila Loisa ah?! Para sabay-sabay na tayong kumain." Paalam ko sa'kanya.

"Sige Babe. No problem."

Palinga-linga ako habang naglalakad nagbabakasakali na makita ko sila Loisa sa paligid. Pero lumipas na ang ilang minuto hindi ko pa rin sila nakikita. Unti-unti ng humahapdi ang balat ko dahil sa sikat ng araw. Magpapasya na sana akong bumalik sa cottage ng biglang may nahagip ang mga mata ko mula sa di-kalayuan. Mabibilis ang hakbang na pinuntahan ko sila. Oo, sila. Tatlo sila at hindi ko matukoy kung sino yung isang babae. Habang palapit ako ay mas malinaw na sa'kin kung sino yung isang babae. Si Maris.

"It's okay." Tinap niya si Loisa sa balikat. "Kung kuya mo nga naka-move on na. Ako pa kaya?"

"So, you mean---"

Tumango-tango siya.

Hindi ko maintindihan pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Matapos kong marinig ang sinabi niyang yon.

Lumapit si Loisa sa'kanya. "Really? Walang halong echoss?"

Natawa naman siya. "Oo nga, walang halong echoss naka-move on na rin ako sa Kuya mo."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumabat.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Congratulations!"

Sabay-sabay silang napalingon sakin.
Seryosong nakatingin naman ako sakanya.

"Mc-McCoy!" Sambit niya sa pangalan ko sa kauna-unahang pagkakataon ng paghaharap namin magmula ng mag hiwalay kami.

"Mabuti naman at natanggap mo rin sa sarili mo na wala na talagang pag-asang magpaloko pa ako sa'yo." Diri-diritsong sabi ko. Gulat na gulat naman siya dahil do'n. Hindi niya marahil inaasahan na maririnig sa'kin ang mga salitang yon.

"Kuya?"

"Ano? Kakampihan mo na naman ang manlolokong yan?" Sigaw kong sabi kay Loisa.

"Kuya, nag---"

"Tama na! Naiintindihan ko na mas kinakampihan mo siya dahil bestfriend mo siya. Pero hindi mo ba alam na sa tuwing ginagawa mo yon nasasaktan ako. Kasi ako yung nasaktan at niloko higit sa lahat kuya mo 'ko. Pero mas pinipili mo yang babaeng yan." Duro ko kay Maris na tumutulo na ang mga luha.

"Kuya---"

"Tama na Bestie." Humarap si Maris kay Loisa. "Tama naman ang kuya mo."

"Kita mo na? Eh 'di inamin mo rin na manloloko ka."

Mabilis siyang humarap sa'kin. "OO. OO NA! INAAMIN KO NA. NILOKO NGA KITA! PINAGMUKHA KITANG TANGA. ANO? MASAYA KA NA? MASAYA KA NA?" Umiiyak na nanakbo palayo si Maris. Hinabol naman siya ni Loisa. Samantalang ako hindi makapaniwalang inamin niya  nga sa'kin harap-harapan na niloko niya ako.

"Kuya McCoy?" Tinapik ako sa braso ni Joshua.

"Iwan mo muna ko Josh."

Tinapik-tapik ako sa balikat ni Joshua bago umalis.

Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit pa rin.
Ang sakit sakit pa rin talaga.


* FLASHBACK *

Maaga akong gumising upang ihanda ang surprise ko para kay Tins. Today is saturday and today is our 3rd anniversary. Katulad ng plano hindi ko siya itetext or kahit tawag. Magkukunwari akong nakalimutan ang anniversary namin. At para effective ang gagawin ko. Pinatay ko ang phone ko. At itinago 'yon sa kotse ko. Pagpasok ko sa venue kung saan ko gagawin ang surprise ko sa'kanya. Naging abala na ko hanggang hindi ko namalayan ang oras. 4:00pm na pala. Umuwi ako sa bahay at nagbihis ng maayos. Nagpa-gwapo at nagpabango ng husto. Nang masiyahan ako sa itsura ko sa salamin ay bumaba na ko ng bahay. Masayang-masaya ako habang binabaybay ang skwelahan nina Loisa at Maris.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon