HF40.

959 36 16
                                    

---

(* 3 months later *)

Ang bilis talagang lumipas ng panahon. Akala mo parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pero 3 months na pala ang lumilipas at 1 month na lang lalabas na si Baby.

Nasa terrace ako ngayon habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa baba ng hardin. Ang gaganda kasi ng pamumukadkad ng mga ito.

Sa nakalipas na tatlong buwan medyo marami ang nangyari at nabago.

Si Elisse nahatulan ng guilty dahil sa ginawa niyang pagsagasa kay Maris. Napatunayan na sinadya niya ang nangyari at hindi isang aksidente lamang. Pinagbayad siya ng 1million at makukulong pa siya ng lima hanggang sampung taon.

Si Bestie naman inaayos na ang mga papers sa pagpunta niya ng ibang bansa para makasama ang mga magulang niya. Kaya ayun si Kuya malungkot na malungkot palagi. Hindi ko naman siya masisisi dahil mahal na mahal nga niya itong bestie ko.

Samantalang ako, heto at excited na sa pagdating ng baby ko. Hindi ko pa alam ang gender niya dahil nung nagpa-ultrasound ako hindi ko inalam para mas exciting. Inalam ko lang kung maayos ba ang lagay niya sa loob ng tiyan ko.

At siya, kumusta na kaya siya? After naming mag-usap nung araw na tumawag siya. Hindi ko na siya nakita ulit o nakausap man lang kahit sa telepono. Miss na miss ko na siya. Sana sa araw ng panganganak ko nandun siya.

Pinahid ko ang butil ng luha na namuo sa mga mata ko.

"Umiiyak ka na naman."

Napalingon ako ng marinig ang tinig ni Kuya.

"Siya na naman ba ang iniisip mo?" Lumapit si Kuya sa'kin at naupo sa katabing upuan ko. "Huwag mo masyadong isipin si Ronnie. I'm sure okay lang naman ang taong 'yon."

"Hindi ka na galit sa'kanya, Kuya?"

"Naipaliwanag na sa'kin ni Ronnie lahat. Kaya hindi na ako galit sa'kanya. Teka nga, ano ba talagang pinag-usapan niyo noon?"

Hindi ako nakaimik.
At unti-unting bumabalik sa balintataw ko ang naging pag-uusap namin 3 months ago.

* flashback *

"Hello? Loisa? It's me, Ronnie."

"R-ronnie?"

"Can we talk?"

Hindi agad ako nakakibo.

"Loisa?"

"Why?"

"I just want to talk to you."

"What for?"

"Loisa please, I''ll explain everything kapag nakipagkita ka sa'kin."

Hindi na naman ako nakaimik agad. Naiinis ako sa'kanya at naiinis rin ako sa sarili ko. Naiinis ako sa kanya, dahil para siyang walang kasalanan sa'kin kung makipag-usap. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang wala lang sa'kin na may kasalanan siyang nagawa.

"Loisa---"

"Sige, magkita tayo sa lorry coffee shop. Bukas ng gabi 7:00 pm."

"Okay."



* lorry coffee shop *


Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Lalo na nung pumasok ako ng coffee shop. Mabilis kong nakita si Ronnie na nakaupo sa may sulok ng coffee shop. Mabilis akong lumapit sa kanya. At kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napatayo pa siya sa sobrang gulat.


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon