HF11.

1.5K 57 5
                                    

| LOISA'S POINT OF VIEW |

Kanina pa kami walang imikan ni Joshua. Abalang-abala kasi ang mokong sa paglalaro ng games sa cellphone niya.

"Josh?"

"Hmmm.." Tumingin siya sa'kin.

"Mall tayo." Nakangiting sabi ko. Medyo matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakakain ng Pizza sa Shakey's at nakakapaglaro sa quantum.

"O sige, kung yan ang gusto mo 'di sige mall tayo. Tutal wala na rin naman tayong magawa dito sa bahay niyo kaya mag mall na nga lang tayo." Sang-ayon niya.

"Sige, tawagan ko lang si Maris."

Tumango naman si Joshua, bago ko siya iniwan.

Dialling...
Bestie Maris.

Tooooot toooot

Hindi ko makontak si Maris. Kaya binalikan ko ulit si Joshua.

"Josh, dito ka muna okay? Maliligo at magbibihis lang ako." Paalam ko.

"Okay. Basta huwag masyadong matagal okay?"

"Yes sir." Sabi ko naman na sumaludo pa ako sa'kanya.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay nang makasalubong ko si Jane sa may hagdan. Pababa siya, paakyat naman ako. Biglang may pumasok na Idea sa isip ko.

"Ahmf,..Jane, sandali." Napahinto naman ito at tumingin sa'kin.

"Ano po yon Ma'am Loisa?"

"Iwan mo na yang ginagawa mo kay Karen, pakisabi ako nag-utos. Alam na niya gagawin dyan. Maligo at magbihis ka aalis tayo." Sabi ko.

"Pero..."

"No buts. Basta sundin mo na lang ang sinabi ko." Pagkasabi ko niyon umakyat na ako patungo sa room ko.

| RONNIE'S POINT OF VIEW |

Nandito ako ngayon sa terrace at lihim kong pinagmamasdan sina Loisa at yung Joshua daw ang pangalan. Nakakabanas kung mag-usap sila masyadong sweet.

"Ron, anong tinitingnan mo dyan?" Si Julia yon.

"Wala." Lumapit siya sa'kin at tumingin sa deriksyong tinitingnan ko.

"Ow! Wala pala, ah." Sarcastic na sabi niya.

"Ronnie, umamin ka nga sa'kin?" Napatingin ako sa'kanya.

"What?"

"May gusto ka ba sa batang yan?" Nabigla ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata.

"Pwede ba Julia, tigilan mo ko."

"Bakit Ron, mahirap ba ang tanong ko at hindi mo masagot?" Tila naghahamon na wika nito.

Nakipagtagisan ako ng tingin sa'kanya, pero ako rin ang unang nagbawi nito.

"I knew it. Hindi mo na kailangang sagutin dahil obvious naman na gusto mo siya." Sabi nito pagkatapos ay nagmamadali itong umalis. Hindi ko na pinigilan o sinundan si Julia. Dahil kailangan niya yon. Napahilamos naman ako ng mukha.

Gano'n na ba talaga ako ka-obvious na gusto ko siya?

Nakaramdam ako ng pagka-uhaw kaya bumaba ako ng bahay at nagtungo sa kusina. Naabutan ko don si Jane na naghuhugas ng pinggan.

Well, maganda si Jane, yon nga lang hindi siya nakakapagsalita masyado ng tagalog. Pero nakakaintindi naman daw siya

"Hi!" Bati ko sa'kanya.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon