---
Paroot parito si Loisa sa silid habang hinihintay ang mag-aayos sa'kanya. Ala-una ng hapon ang kasal niya. At alas-onse na pero wala pa rin ang make up artist niya. Nangangamba tuloy siyang baka mahuli sa itinakdang oras ng kanilang kasal. Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si Lydia. Ang secrestary ni Ronnie.
["Yes Ma'am Loisa?"]
"Lydia, anong oras na? Wala pa rin yung mag-aayos sa'kin."
["Ay, Ma'am paakyat na po dyan."]
"Ganoon ba? O sige, salamat."
Call ended...
Knock Knock
Mabilis niyang pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. At bumungad sa'kanya ang tatlong bakla.
"Miss Loisa, pasensya na ho sobrang traffice ho kasi papunta dito."
Ngumiti siya. "It's okay."
"Okay Ma'am ready na ba kayo?"
"Yeah."
At sinimulan na nila ayusan ang bride.
Limang buwan na ang lumipas matapos ang gabi ng proposal ni Ronnie sa batangas. Pagkatapos no'n ay inasikaso nila agad ang dapat ayusin para sakanilang kasal. Excited ang lahat lalong-lalo na ang magkasintahan. Kaytagal rin nilang hinintay ang araw na ito.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ring ayusan ang bride.
"Ay, bongga oh! Ang ganda ganda niyo naman Miss Loisa." Sabi ng bakla nag ma-make up sa'kanya.
"True. Ngayon lang ako nakapag-ayos ng ikakasal na nasobrahan sa ganda." Segunda naman ng baklang nag-aayos ng damit pangkasal niya.
"Aba syempre, gwapo kaya ang groom kaya dapat dyosa ang bride." Singit naman ng baklang nag-aayos ng belo niya.
Natatawa na lang si Loisa habang nakikinig sa tatlong bakla.
"Ayan! Tapos na."
Sabay-sabay nagpalakpakan ang tatlong bakla. Pagkatapos inalalayan nilang tumayo si Loisa para ihanda sa paglabas niya.
"I'm sure Miss Loisa, nganga ang mga tao sa simbahan kapag nakita ang beauty mo. Plus luluwa ang mga mata ng groom niyo."
"Tama Miss Loisa, baka nga madaliin agad ni Sir Ronnie ang kasal para masigurong kanyang-kanya ka na."
"Baka after ng kasal idiritso ka niya sa honeymoon. Charot!"
Natawa naman si Loisa sa kakulitan ng tatlong bakla. Kahit paano nababawasan ang kabang nararamdaman niya. Habang papalapit ng papalapit ang oras ng kanilang kasal.
Samantala hindi naman mapakali sa simabahan si Ronnie.
"Bro, ayos ka lang?" Tanong ni Mccoy kay Ronnie.
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018