HF7.

1.2K 39 5
                                    

-

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Awang-awa na ako kay Alex, dahil kanina pa siya binubogbog ng mga hayup na yon.

"Tama na! Paran awa niyo na!" Tumakbo ako papunta kay Alex na nakahandusay na sa semento at walang malay tao.

"Alex, Alex gumising ka! Alex?" Niyogyog ko siya para magising. "Alex!" Grabe, umiiyak na ako pero hindi talaga siya nagigising. "Aleeeeex!"

Bumaling ako sa mga hayup na bumogbog kay Alex.

"Mga walang hiya kayo, anong ginawa niyo sa'kanya?"

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?"

"Ha?"

Napalingon ako sa likuran ko.

"McCoy?"

Bago pa man ako nakapagsalita. Nakita ko na lang nakahandusay na yong tatlong kumag sa semento.

At nang makabangon sila'y nagtatatakbo na palayo na tila ba takot na takot.

"McCoy, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa'kanya, pero parang hindi niya ako narinig.

"Anong nangyari sa'kanya?"

"Binogbog siya ng mga hayup na yon."

"Ikaw, bakit ka nandito? At bakit kasama mo yan?" Nakakunot noong tanong niya.

"Ha?"

"Amf. Kuwan kasi..."

"Nevermind. Tulungan mo na lang akong buhatin siya papunta sa kotse ko dadalhin natin siya sa ospital."

"Okay."

At pinagtulungan namin buhatin si Alex upang madala sa pinaka-malapit na ospital.

| LOISA'S POINT OF VIEW |

"Hindi sumasagot si Alex." Sabi nu'ng lalaki kay Joshua.

"Shit! Baka kung ano ng nangyari dun." Sabi ni Josh bago bumaling sa'kin. "Loisa, get ready ihahatid na kita." Seryosong sabi niya.

"Ha? Akala ko ba darating sila Maris dito?"

"Si Alex na daw bahalang maghatid sa kaibigan mo. Don't worry, ligtas siya." Tinap ako ni Josh sa balikat.

-

Habang bumabyahe papunta sa bahay tahimik lang ako. Hanggang sa huminto na 'yung kotse ng kaibigan ni Joshua.

Agad akong bumaba gano'n rin si Joshua. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:30pm na.

Hala! Lagot ako nito kay Kuya.

"Josh, salamat."

"Walang anuman. Basta mag-iingat ka palagi Loi. Kahit nakaligtas ka ngayon, hindi pa rin tayo nakakasigurong wala ng naka ambang panganib. Naiintindihan mo ba?" Sabi niya.

"Oo, salamat." Hindi na ako masyadong nagsalita. Tumango na lang ako, pagkatapos tumalikod na.


| RONNIE'S POINT OF VIEW |

Kanina pa ako hindi mapakali. Sinusubukan kong tawagan uli yung number ni Loisa, pero out of reach na.

Loisa, sana okay ka lang.

Nagpasya akong lumabas ng kwarto at bumaba ng bahay papuntang pool area. Sakto namang pagbaba ko may humintong sasakyan. Kaya dali-dali kong sinilip kung sino ang dumating? Nakita kong bumaba si Loisa at ng isang lalaki. Hindi ko alam sa sarili ko, pero bigla akong nakaramdam ng inis.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon