| RONNIE'S POINT OF VIEW |
"Ronnie?"
"Ikaw pala Sue! What are you doing here? Where's Arthur?"
"He fell asleep."
Tumabi sa'kin si Sue pagkatapos naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.
"Are you okay?" She asked.
I nodded.
"Hay naku! Ronnie, Ronnie, Ronnie, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Sinungaling ka pa rin." Natatawang sabi niya.
"Bakit naman?" Nangunot noong tanong ko.
"Kasi, obvious naman na hindi ka talaga okay. Pero palagi mong sinasabi na okay ka lang. Kahit ang totoo nasasaktan at nahihirapan ka na." Hinawakan niya ang balikat ko. "I think, panahon na para maging masaya ka naman." Nakangiting sabi niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Alam ko, kahit hindi mo sabihin sa'kin. Yung babae kanina, siya yung babaeng madalas mong i-kwento sa'kin. Yung babae na mahal na mahal mo higit pa kahit kaninuman. Ronnie, hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod kakaiwas? Nakita ka na niya. Nagkita na ulit kayo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba kikilos? Hindi mo man lang ba siya kakausapin?" Napapikit ako matapos marinig lahat ng sinabi ni Sue. Bigla nakaramdam ako ng pangamba sa mga sinabi niya. Pero anong magagawa ko? Hindi ko siya pwedeng kausapin. Ni hindi ko siya pwedeng makita. Itong pagkikita namin ngayon, aksidente lang ang lahat ng ito. At hindi dapat 'to nangyari.
"Ronnie!"
"Alam mo naman ang sitwasyon ko, di ba?"
"Pero hanggang kailan mo gagawin 'to? Kapag huli na ang lahat? Kapag dumating na sa puntong wala na? Ronnie, wake up! Sapat na ang limang taon na nag sakripisyo ka. 'Wag mo kaming intindihin ni Arthur kung yan ang inaalala mo. Wala kang obligasyon sa'kin o kahit kay Arthur. Ronnie, I want you to be happy. And I think, ito na yung time na yun. Ito na yung sinasabi mong tamang panahon. 'Wag mong sabihin sa'kin na palalampasin mo pa 'to?"
"Sue! You don't understand."
"Talagang I don't understand kung bakit ginagawa mo 'to sa sarili mo. Ronnie, ayaw mo bang maging masaya?"
"Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong maging masaya. Pero hindi pa panahon."
"At kailan? Kailan sa tingin mo 'yong tamang panahon na madalas mong sabihin sa'kin? Kapag wala na? Ronnie, huwag mong hintayin na mawala siya sa'yo ng tuluyan."
"Matagal na siyang nawala sa'kin." Umiling ako. "Actually, hindi naman talaga siya naging akin."
"Ronnie---"
"Enough Sue."
Tumayo ako at naglakad palayo.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may sinabi si Sue na ikinahinto ko.
"Hinihintay ka niya sa batuhan malapit lang mula dito."
"Anong sinabi mo?"
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018