-
"Loisa?" Napalingon ako ng marinig ang tinig ni Joshua.
"Josh, ikaw pala!"
"O, ba't ganyan itsura mo? Umiyak ka ba?"
Umiling-iling ako. "No. Napuwing lang ako." Pagkakaila ko.
"Napuwing? Wait, bakit basa ka?"
"Ha? Ah, naligo ako sa dagat."
"Ah, nasaan na si Maris?"
"Hindi ko siya naabutan."
"Ganoon ba?"
Tumango-tango na lang ako bilang tugon.
"Halika, magbihis ka muna."
Hindi na ko umimik nagpa-akay na lang ako kay Joshua. Pagdating namin sa cottage ni kuya. Nagpasalamat akong wala siya. Mabilis akong nagbihis pagkatapos binalikan ko na si Josh sa labas ng cottage namin.
"O, nasaan nga pala si Kuya McCoy?" Tanong ni Joshua paglabas ko.
"Hindi ko alam. Siguro nandyan lang yan sa tabi-tabi. Atsaka wag mong masyadong intindihin si Kuya. Alam mo namang may kasama 'yon." Napairap ako sa'kanya pagkasabi ko niyon.
"O, ba't nagagalit ka?"
"Wala. Halika, samahan mo ako."
"Saan?"
"Libutin natin 'tong resort."
"Bakit?"
"Anong bakit? Eh, 'di ba nga nawawala si Maris? Hahanapin natin siya." Seryosong sabi ko sabay hila sa'kanya.
"Uy Loiskie, baka gusto mong bitawan ang kamay ko." Reklamo ni Joshua. Pero kunwari wala akong narinig.
"Loisa!"
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang hilahin niya ako palapit sa'kanya na naging sanhi ng pagkakayakap ko sa'kanya. Malalaki ang mga matang hindi ako makapaniwalang magkalapat ang mga labi namin ngayon. Buong lakas kong itinulak si Joshua.
"S-sorry. Sorry Loisa! Hindi ko sinasadya gusto ko lang sana na---"
Hindi ko na hinintay matapos si Joshua sa pagpapaliwanag niya. Agad akong nanakbo palayo.
Napahinto ako sa pagtakbo ng makaramdam ako ng pagod. Pagkatapos napahawak ako sa mga labi ko.
"Daddy, there she is." Napalingon ako ng makarinig ako ng tinig ng isang batang lalaki mula sa di-kalayuan. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko habang nakasunod naman ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay kanyang ama.
"Arthur, wait for Daddy." Sigaw nung lalaki. Natigilan naman ako ng kaboses siya ni Ronnie.
Malapit na malapit na sa'kin 'yong bata. At nagulat ako ng tumigil siya sa tapat ko.
Tinitigan ko ang maamo at gwapong mukha ng bata. At napangiti rin ako ng ngitian niya.
Umupo ako para maging kapantay ko siya.
"Hello little boy!" Bati ko sa'kanya.
"Hello!" He smiled at me.
"Arthur!" Sabay kaming napalingon ng marinig namin ang pagtawag ng kanyang ama.
At gulat na gulat na unti-unti akong tumayo.
"Loisa?" Gulat na gulat na sambit niya sa pangalan ko.
Hindi ako nakaimik.
Tinitigan ko lang siya."Ikaw ba ang babaeng sinasabi ni Arthur na nagligtas sa'kanya kanina?"
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018