6 YEARS LATER
Walang humpay sa pagkaway si Loisa ng matanaw niya ang kaibigan sa malayo. Nasa airport sila ngayon kasama ang kanyang anak maliban kay Ronnie na busy sa trabaho. Nagpasundo kasi si Maris sa'kanya sa airport. Wala naman daw kasing ibang magsusundo sa kaibigan maliban sa'kanya.
Agad silang nagyakap paglapit na paglapit ni Maris.
"Namiss kita ng bongga Bestie." Aniya sa kaibigan.
"Ako rin Loi, sobra kitang namiss."
"Mommy sino po siya?"
Sabay silang natawa ng marinig nila ang tinig ng isang munting anghel sa tabi ni Loisa.
"Ito na ba si Lance?" Nakangiting tanong ng kaibigan habang nakatingin sa cute na batang lalaki.
"Yup." Nakangiti at proud namang tugon ni Loisa.
"Ang gwapo at ang cute naman ng anak niyo Loi. Inggit tuloy ako." Sabi ni Maris na may pagkurot pa sa pisngi ni Lance.
"Ikaw lang eh, kung hindi ka sana umalis eh 'di may little Maris na rin sana kayo ni Kuya."
Napairap naman si Maris kay Loisa na ikinatawa naman nito.
"Joke lang. Ikaw naman masyadong seryoso eh. Anyway, tulungan mo 'kong dalhin 'yang mga gamit mo sa likod ng sasakyan ko. At ng makaalis na tayo, kanina pa inip na inip itong anak ko eh."
"Ganoon ba? Okay sige."
Pinasok ni Loisa ang anak sa loob ng sasakyan pagkatapos tinulungan niyang ayusin sa likod ng sasakyan niya ang mga gamit ni Maris.
---
Habang nasa byahe ay nakatulog ang anak si Lance sa lap ni Maris.
"Grabe Loi, ang gwapo talaga nitong anak mo. Kahit tulog ang gwapo gwapo pa rin niyang tingnan. Para siyang male version ni Sleeping Beauty." Aniya sabay tawa.
"Loko ka Maris. Ginawa mo pang bakla ang anak ko." Natatawang sabi naman ni Loisa.
"Sya nga pala Loisa, kumusta naman kayo ni Ronnie?"
"Ayun! Masaya." Maikling tugon niya.
"Yun lang? Masaya lang?"
"Syempre hindi ganoon lang 'yon. After ng kasal namin, mas naging sweet siya sa'kin. Mas ramdam ko na mahal niya ako and palagi niya akong inaalagaan. Lalo na kapag may sakit ako. Ito pa, nung time na nalaman niyang buntis ako kay Lance. Agad niya akong pinag leave sa trabaho. One month pa lang akong buntis no'n pero ang OA na niya mag react. Keshu baka malaglag daw ang baby namin etc." Masayang kwento ni Loisa kay Maris na matamang nakatingin naman sa'kanya.
"O bakit ganyan ka makatingin?" Puna ni Loisa sa kaibigan.
"Ang sarap mo kasing tingnan habang nagkukwento. Kitang-kita kasi sa'yo na masayang masaya ka nung mga oras na 'yon."
"Eh, bakit parang malungkot ka dyan?"
"Wala. May naisip lang ako." Aniya sabay tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Napabuntong hininga si Loisa. Ramdam na kasi niya ang pinupunto ng kaibigan niya. Dahil pareho rin silang dalawa ng iniisip.
"Alam mo ba Maris?" Napatingin si Maris kay Loisa. "Nung araw na umalis ka, sobrang nasaktan si Kuya Mccoy. Araw-gabi wala siyang tigil sa pag-inom. Palagi niyang sinisisi ang sarili niya kung bakit daw nasasaktan siya ng ganoon. Naawa ako sa'kanya no'n. Pero wala naman akong magawa." Huminto si Loisa sa pagsasalita ng mapansin niyang lumungkot ang mukha ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018