HF44.

869 29 4
                                    

*



Kanina pa nailibing ang pinakamamahal kong prinsesa. Pero hindi pa rin ako umaalis. Gusto ko pang mag stay kahit kaunting oras minuto pa. Hinahaplos ko ang lapida na may nakaukit niyang pangalan. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Nag-uunahan na naman silang nagbabagsakan sa pisngi ko. Biglang dumilim ang paligid kasabay nun ang pag bagsak ng malakas na ulan. At sa ilalim ng malakas na ulan ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng aking pag tangis. Hindi ko matanggap, hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit sakit.




| MCCOY's POINT OF VIEW |




Awang-awa ako kay Ronnie habang nakikita ko siyang umiiyak sa ilalim ng malakas na ulan. Hindi talaga niya matanggap ang nangyari. Kahit ako, nasasaktan din ako na wala na ang prinsesa namin. At kahit kailan hindi na siya babalik.

Sayang at hindi man lang namin siya nakasama ng mas matagal pa.


Pinahid ko ang butil ng luha na namuo sa mata ko.
Pagkatapos kinuha ko ang payong sa likod ng kotse ko atsaka bumaba para puntahan si Ronnie. Nag-aalala ako na baka siya naman ang magkasakit.


Paglapit ko sa kanya ay agad ko siyang pinayungan.



"Kasalanan ko 'to Mccoy. Kung hindi sana...kung hindi ko sana pinaghintay ng matagal si Loisa hindi sana siya ma d-depressed. E di sana..." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil mas lumakas ang iyak niya. Sa nakikita kong pag-iyak ni Ronnie ngayon. Mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya.



"Ronnie? Kailangan na nating umuwi. Madilim na at isa pa basang-basa ka na ng ulan. Baka ikaw naman ang magkasakit."





"Hayaan mo lang ako Mccoy. Parusa sakin 'to. Kaya hayaan mo na lang ako para mamatay na rin ako."




"Brad wag mo naman sabihin 'yan. Wag mong kakalimutan na may tao pang umaasa sa'yo. Kaya magpakatatag ka. Hindi purket wala na siya papatayin mo na rin ang sarili mo. Isipin mo naman sana yung mga tao na nandito pa at buhay."



Hindi siya nakaimik. Pero nanatili pa rin siyang nakaluhod sa puntod.



Maya-maya pa ay tumayo na siya.



"Ronnie?"



Hindi siya umimik.
Tumalikod siy sa'kin at naglakad papunta sa kotse niya.




"Ronnie! Ronnie saan ka pupunta?!"



Hindi siya sumagot at nag diritso lang siya sa sasakyan niya. Pagkatapos mabilis niyang 'yong pinaharurot palayo.



Napahugot na lang ako ng malalim na hininga na sinundan ng tingin ang papalayong kotse nito.





| MARIS'POINT OF VIEW |



* AIRPORT *




"Talaga bang hindi ka na magpapapigil?" Tanong ni Jon sa'kin.



"Buo na ang pasya ko, Jon. At walang sinuman ang makapagpapabago nun."




"Kahit si Mccoy?"



HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon