HF13.

1.1K 44 1
                                    

NORMAL POV
...

Mabilis na lumipas ang panahon.
Magmula ng umalis si Ronnie sa tahanan nila Loisa ay hindi na muling nagbalik ang binata. Wala na rin silang naging balita dito.

Samantala, pagka-graduate ng magkaibigang Maris at Loisa ng high school ay sabay silang nag-aral ng kolehiyo sa iisang university sa maynila, sa parehong kurso. Parehong BM ang kursong kinuha nila. At makalipas ang halos limang taon ng pagpupuyat at paggawa ng walang kamatayang thesis. Sa wakas, graduate na rin sila.

"Congratulations Bestie!" Magkasabay na bati ng dalawa sa isa't-isa.

"Omo! Hindi talaga ako makapaniwala Bestie. Akalain mo 'yon parang kailan lang, 1st year college pa lang tayo. Pero ngayon, graduate na tayo!" Parang kinikiliting sabi ni Maris. Natawa na lang si Loisa, sa'kanya.

"O, ba't ganyan itsura mo? Hindi ka ba masaya na graduate ka na?" Puna ni Maris kay Loisa.

"Ha? Masaya naman ako ah?" Sabi ni Loisa na pilit pinasigla ang boses.

"Hmmm! Sinungaling!" Umismid na sabi ni Maris.

"Talaga namang masaya ako ah!" Ngumiti ng malapad si Loisa at ipinakita yon kay Maris. Tawang-tawa naman si Maris sa itsura ng kaibigan.

"Ayan! Dyan ka masaya. Yung makikita mong nagmumukha na kong eng-eng dito." Umikot ang mga matang sabi ni Loisa. Natahimik naman si Maris at niyakap ng mahigpit ang kaibigan.


"I love you Bestie!"

"Sus! Drama queen ka talaga!" Natatawa pero niyakap pa rin ni Loisa ang kaibigan. "I love you too Bestie!"

"Loisa!" Agad silang naghiwalay ni Maris ng marinig ang tinig ng Kuya McCoy niya.

"Kuya!" Hindi naituloy ni Loisa ang pag-ngiti ng mapansin ang kasama ng Kuya McCoy niya. Bumaling siya kay Maris na matamang nakatingin sa kasama ng Kuya niya.

"Sige Betie ah? Congrats ulit!" Pumeke ng ngiti si Maris atsaka naglakad patungo sa mga magulang niya.

"Hi Loisa! Congratulations!" Nakangiting bati ni Ellise. Ang bagong nobya ng kanyang Kuya McCoy.

"Thanks!" Alanganing ngumiti siya dito.

"Sorry late kaming nakarating. Grabe ang traffic eh." Hinging paumanhin ng Kuya niya.

"Okay lang." Matipid na tugon nito.

"Ano? Tara na!" Yaya ng Kuya niya.

"Ah, sandali lang ah? Magpapaalam lang ako kay Bestie." Paalam niya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot niya nanakbo na siya papunta kay Maris.

"Bestie?"

"O, bakit?"

"Kita na lang tayo bukas."

"Sige."

"Pasensya ka na ah! Hindi ko naman alam na isasama ni Kuya si---"

"Hindi mo naman kailangan humingi ng sorry. Kasi okay lang sa'kin." Nakangiting sabi ni Maris kay Loisa na ikinabigla nito.

"Really?"

"Uh-huh!"

Masayang niyakap ni Loisa ang kaibigan. Dahil sa wakas narinig din niya mula sa kaibigan ang matagal na niyang gustong marinig mula rito.

"Alam mo, masayang-masaya akong marinig na okay ka na."

"Ano ka ba? It's almost 3 years since we broke up. Sa tingin mo ba, hindi ko magagawa ang mag-move on?"

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon