HF38.

844 32 9
                                    

| LOISA'S POINT OF VIEW |


Nagising ako nasa ospital na.
Hindi ko alam kung bakit? O kung ano ang nangyari? Naisip ko na baka nag over-react si Kuya Mccoy, kaya dito niya ako dinala nung nawalan ako ng malay. Bumangon ako at lumabas ako ng room. Para pumunta sa nurse station. Magpapasundo ako kay Kuya dito sa ospital. Hindi ko kasi dala ang phone ko. Kaya makikitawag na lang ako sa telepono. Dala ko lang ang dextrose ko habang naglalakad papunta ng nurse station na nasa first floor pa. Nakaramdam ako ng hilo at pagkasuka. Kaya huminto ako sa paglalakad saglit. Nasusuka talaga ako kaya tinakpan ko ang bibig ko at naglakad pabalik ng room ko. Bago pa man ako makabalik ay may lumapit na lalaki sa'kin.
Hindi ko siya pinansin pero hindi rin siya umalis.

"Miss, okay ka lang? Kailangan mo ba ng tulong? Saan ang room mo? Sasamahin na kita doon." Sunod-sunod na tanong niya. Hindi agad ako nakaimik dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.
Pero naramdaman kong inalalayan pa rin niya ako hanggang sa makarating kami sa room ko. Pagtapat sa room ko, mabilis akong pumasok at bago ko sinara ang pinto ay tumingin ako sa lalaking tumulong sa'kin. At ganoon na lang ang gulat ko ng makilala siya.

"Miss, okay ka lang ba? Gusto mo tumawag akong doctor or nurse?" Sabi niya.

"Ah, salamat na lang magpapahinga na lang siguro ako." Sagot ko naman sa kanya.

"O sige, alis na ako." Paalam niya. "Get well soon Miss!"

Papalayo na siya ng bigla ko siyang tawagin.

"Excuse me?"

Agad siyang lumingon. "Yes?"

"Salamat." Sabi ko.

Nginitian niya ako. "Walang anuman Miss.!"

Miss? Hindi ba niya ako maalala? O nagkukunwari lang siya?

"Miss? Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong niya ulit.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon. Pagkatapos unti-unti ko ng sinara ang pinto. Napasandal ako sa pinto pagsara nito. Pinilig ko ang ulo ko.

"Nananaginip ba ako? O totoo talagang nandito siya?" Nagsasalita akong mag-isa. Hindi kasi ako makapaniwala na parang hindi niya ako kilala kung kausapin niya ako. Ano 'to? Joke o isang panaginip? Nasapo ko ang ulo ko ng bahagya akong makaramdam ng hilo. Bumalik ako sa higaan ko at muling nahiga.

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto.
At pumasok si Kuya Mccoy na may dalang supot.

"O, gising ka na pala." Bungad niya sa'kin.

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Nag panic kasi ako kagabi. Kaya naisip kong dito ka na lang dalhin. Atleast, mababantayan ka ng mga nurse and doctor dito." Sabi niya. "Nga pala, dinalhan kita ng pagkain." Dugtong niya.

"Salamat." Maikli kong tugon.

Lumapit si Kuya sa'kin at naupo sa gilid ng kama ko.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo?"

"Mabuti na ako. Baka pwede na akong lumabas ngayong araw."

"Sigurado ka bang okay ka na? Sabi ng doctor, dala ng pagod at puyat kaya ka hinimatay. Makakasama daw sa'yo ang mapagod at mapuyat. Kaya habang maaga mag leave ka na sa trabaho mo. Ayaw ko rin naman na, mangyari ang nangyari sa'yo kagabi habang nasa trabaho ka. Atleast sa bahay mababantayan ka namin."

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon