| MACCOY'S POINT OF VIEW |
Hirap na hirap ako habang ipinapasok sa backseat si Maris. Medyo mabigat na siya unlike nung kami pa na sobrang payat niya.
"Loisa, mamaya na tayo umuwi."
Hindi ko siya inimikan.
Mabilis kong sinara ang pinto ng backseat. At pumasok ako sa driver seat at sinimulan kong i-start ang engine ng sasakyan."Loisa naman eh, ba't ang kj mo? Ayaw mo ba na makalimot ang best friend mo kahit ngayong gabi lang." Pagpapatuloy niya.
Sinilip ko siya sa back seat.
Kasi akala ko nagising siya.
Pero nakapikit pa rin siya.
Kaya pinaandar ko na ang sasakyan."Loisa, alam mo ba? Nung sinabi sa'kin ng Kuya mo na may balak na siyang mag propose kay Elisse. Sobra akong nasaktan nun. Gusto kong magalit sa kanya. Pero bakit ganun? Hindi ko kaya."
Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya habang sinasabi 'yon.
"Loisa! Bakit hindi ka nagsasalita? Siguro, naaawa ka na naman sa'kin noh! Huwag. Huwag mo akong kaawaan. K-kasi…mas lalo lang ako nagmumukhang kawawa. Loiskie, bestie, kambal, pokpokin mo nga ako ng malakas sa ulo. Para magkaroon na ako ng amnesia. Para makalimutan ko lahat. Para hindi ko na 'to nararamdaman. Please!"
Nagsimula na siyang umiyak. Gusto ko sana siyang aluhin pero paano ko magagawa 'yon kung ako ang humahawak ng manibela.
"Loisa?" Nakita kong bumangon siya at nagmulat ng mga mata.
"Oh! Ikaw pala 'yan Mccoy. Anong ginagawa mo dito?" Tumawa siya ng malakas. "Alam ko na, alam ko na." Sabi niya pagkatapos nakita kong pumatak ang luha niya sa pisngi. "S-siguro, nandito ka para ipamukha mo na naman sa'kin na niloko kita. Tama ba? Oo na, niloko kita. Yun kasi ang alam mo, di ba?"
"Maris, tama na. Lasing ka lang." Awat ko sa iba pa niyang sasabihin. Nakita ko kasing bumebwelo na naman siya para magsalita ulit.
"Hindi. Hindi ako lasing. Huwag mo akong utusan.Teka," Luminga-linga siya. "Nasaan ba tayo? Bakit masikip?"
"Nasa kotse tayo."
"Bakit? Saan tayo pupunta? Ah, alam ko na, nananaginip na naman ako no? Nasa panaginip tayo. Madalas ko kasing mapaniginipan 'to eh. Yung kasama kita sa kotse papunta sa laguna. Tama. Nasa panaginip talaga tayo. So, ibig sabihin lang nun, boyfriend kita. Kasi dun sa mga panaginip ko boyfriend pa rin kita. Pero may mali. Dapat nasa passenger seat ako eh. Wait. Lilipat ako."
Pinapakinggan ko lang siya habang nagsasalita. Pero naalarma ako ng makita ko siyang tumatayo para lumipat sa passenger seat. Kaya mabilis kong inihinto sa gilid ng kalsada ang kotse.
Tapos bumaba ako at kinuha siya sa back seat para ilipat sa passenger seat."Ayan!" Masayang sambit niya.
Mabilis akong pumasok ng kotse at nilagyan siya ng seat belt. Natigilan ako ng hawakan niya ang mukha ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Gwapo ka pa rin." Bulong niya. "Hindi. Mas lalo kang gumwapo." Dugtong niya.
Mabilis naman akong umiwas.
At muling pinaandar ang sasakyan."Mccoy!"
Hindi ako umimik.
"Sana palagi tayong ganito. Sana palagi kitang nakakasama ng ganito."
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018