HF37.

850 30 18
                                    

-

Gabi na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi kasi mawala sa isip ko mga sinabi nung lalaki kanina. Pakiramdam ko talaga totoo lahat ng mga sinabi niya. Pero paano ko malalaman kung totoo nga? Kung wala naman akong maalala.

* flashback 3 months ago *

Nagising ako na mabigat ang katawan. At masakit na masakit ang ulo.

"Ronnie?"

Napatingin ako sa babaeng tumawag sa'kin ng Ronnie.

"S-sino k-ka?" Naguguluhang tanong ka.

"Ha? Anong sino ako? Hindi mo ba ako maalala?"

Napakunot ako ng noo. At pilit kong inaalala kung sino siya? Pero ramdom memories ang pumasok sa isip ko, na nagpasakit lalo ng ulo ko.

"Aaahhhh!" Napasigaw ako sa sakit.

"Diyos ko! Sandali lang at tatawagin ko ang Doctor mo." Mabilis nakalabas yung babae. At pagbalik nito kasama na ang Nurse at Doctor.

Inihiga ako ng Doctor at hindi ko alam kung anong pinaggagawa sa'kin.

"Doc, bakit ganoon? Hindi niya ako kilala?" Dinig kong tanong nung babae sa Doctor na tinawag niya.

"Siguro, nagkaroon siya ng amnesia. Halos tatlong linggo siyang naratay dito sa ospital. Mabuti na nga lang at nagising na siya."

"3 weeks? 3 weeks na akong nasa ospital? Bakit? Anong nangyari sa akin?" Singit ko sa pag-uusap nila.

"Ah, Ronnie." Mabilis na lumapit yung babae sa'kin. "Hindi mo ba talaga maalala?" Tanong niya.

"Ang alin?"

"Naaksidente ka. At halos tatlong linggo ka na dito."

Pinilit ko ulit alalahanin pero wala talaga akong maalala. Kung hindi random memories wala naman pumapasok sa isip ko.

"Wag mo na munang alalahanin Mr. Alonte. Ang importante gising ka na." Sabi ng Doctor.

Hindi na ako nagsalita.

"Ms. Sue, maaari ko ba kayong makausap sandali?"

"O sige ho, Doc." Bumaling ang tinawag na Sue nung Doctor. "Ronnie, kausapin ko lang si Doc." Paalam niya bago sila lumabas ng Doctor.

Ako naman muling nahiga at bahagyang kumirot ang ulo ko.

"Masakit ho ba Sir?" Tanong nung Nurse.

"No. I'm fine, thank you."

Hindi naman umimik yung Nurse maya-maya lumabas na rin siya. At naiwan akong mag-isa sa loob. At hindi rin nagtagal bumalik si Sue.

"Ronnie, kumusta ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Medyo kumikirot ang ulo ko. And medyo nahihilo rin ako." Tugon ko.

"Natural lang talaga na sumakit ang ulo mo. Naoperahan ka kasi 3 weeks ago."

"Ano bang nangyari sa akin? At bakit 3 weeks akong natulog?"

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "Ronnie, naaksidente ka. Bumangga ang kotse mo sa may poste nung isang gabi na pauwi ka ng bahay."

"Paano? Bakit?"

"Ang sabi sa imbestigasyon ng mga pulis. Nawalan daw ang preno ang kotse mo. At hinala nilang, sinadya mo itong ibangga sa poste. Akala ko nga hindi ka na mabubuhay. Pero ngayon na nagising ka na. Napakasaya ko, siguradong matutuwa si Arthur kapag nalaman niyang gising ka na." Umiiyak pero nakangiting sabi niya.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon