HF5.

1.6K 47 3
                                    

| MARIS' POINT OF VIEW |

Hingal na hingal ako nang makarating sa hagdan patungong rooftop.

Ay grabe! Daig ko pa nito nakipagkarerahan sa mga kabayo at ako ang talo. Woah! Anak ng nanay naman niya kasi 'tong si Loisa, kailangan talaga hinahanap siya. Hindi man lang niya naisip na may mga taong naghahanap sa'kanya. Ay grabe talaga sa grabe, haggard na haggard na ang lola niyo. Nakakawala pala ng poise ang pagtakbo.

Okay. Hingang malalim muna bago umakyat sa taas.

Dahan-dahan akong umakyat sa taas dahil hinihingal pa rin ako. Ilang hakbang na lang bago makarating sa taas may nauulinigan akong mga tinig. Hindi nga lang malinaw kung ano ang sinasabi ng mga ito. Kaya nilakihan ko ang hakbang para makarating agad sa may itaas.

O_O halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat ng makita ko sina Joshua at Loisa na nag-uusap. Pinilig-pilig ko pa ang ulo ko sa pag-aakalang namamalik-mata lang ako, pero isang malaking HINDI. Dahil naroon talaga silang dalawa at masinsinang nag-uusap.

Iistorbohin ko ba sila?

1

2

3

4

5seconds.

Okay. Sa tingin ko, hindi na kailangan.

Tumalikod na ako upang bumaba sa rooftop nang biglang...

"Loisa, handa na ako." Tinig yon ni Joshua. Napamulagat naman ang mga mata ko ng marinig 'yon.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Loisa.

Mabilis akong humarap sa'kanila. At doon nakita kong magkayakap na sila. Napatakip naman ako ng bibig dahil muntik na akong mapatili.

Ay bongga! LoiShua for the win.!
Woaaaaaaaaaaaah!

Matagal ko ng gustong mangyari 'to. And I'm sure matutuwa nito ang mga fans nila dito sa campus, kapag nalaman nila 'to.

Masayang-masaya akong bumaba ng rooftop.
Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto palabas. At nagtatatakbo ako na parang sira papunta ng campus, para ipamalita ang tungkol sa pagbabalik tambalan ng former loveteam nina Loisa at Joshua.

Wohoooo!

| LOISA'S POINT OF VIEW |


~TingTingTingTingTing~

"Oras na ng pasukan." Napatingin ako kay Joshua.

Andito pa rin kami sa rooftop. Dito na kami nagpalipas ng lunch break.

Masaya ako ngayon dahil sa wakas, ayos na kami ni Joshua. Balik na ulit ang friendship namin sa dati. And this time, hinding-hindi ko na hahayaang masira 'yon.

Nakita kong tumayo na si Joshua.
"O, pa'no kailangan na nating pumasok." Tumayo na rin ako at humarap sa'kanya.

"Salamat Josh."

"Wala 'yon. Basta ang mahalaga okay na tayo ngayon." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Sabay na kaming bumaba ng hagdan. Inalalayan pa nga niya ako, para hindi raw ako mahulog.

Ito ang isa sa magagandang katangian ni Joshua, 'yong pagiging gentleman niya.

"Ano? Hatid na ba kita sa room mo o----"

"Wag na." I smiled at him. "Alam mo naman ang mga kaklse ko, mababaliw 'yong mga 'yon kapag nakita ka nila."

Nagkibit-balikat naman siya. "Hmmm so, mauna na ako." Sabi niya sabay turo sa daan patungo sa room nila.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon