HF36.

752 31 7
                                    

| MCCOY'S POINT OF VIEW |




Araw ngayon ng sabado.
Check up ni Elisse. Kaya sinamahan ko siya ngayon kasi balak niya na magpa-ultrasound para malaman na daw namin ang kasarian ni baby. Gusto ko sana surprise na lang, pero kailangan din daw kasi 'yon para ma-check kung nasa ayos na pwesto ang baby. Kaya hindi na ako kumuntra.

"Good morning Doc!" Bati namin kay Doctor Alvarez.

"Good morning!" Bati naman ni Dra. Alvarez

Habang chini-check si Elisse ay nakaupo lang ako at nakatingin lang sa kanila. Nakikita kong nakangiti napapangiti si Elisse. Hindi ko maiwasang malungkot. Lalo na ng maalala ko na naman si Maris.

* flashback *

"Babe?"

"Hmmm?"

"Ano bang gusto mong maging anak? Lalaki o babae?"

"For me, kahit ano basta healthy."

"Ako rin. Okay lang sa'kin, kahit ano. Basta healthy lang si baby."

"Gusto mo ba ngayon na?"

Biglang nangunot noo niya.

"Ang alin?"


"Gawa na tayo ng baby. Para malaman natin kung anong magiging kasarian niya. And kung healthy ba siya."

Inirapan niya ako. "Sapak, tadyak, sipa gusto mo, Babe?"

"Sabi ko nga hindi pwede. Ito naman hindi na mabiro eh."

"Ewan ko sa'yo!"

Niyakap ko siya. "Wag ka na tampo diyan babe ko. Ito naman, masyado ka yatang sensitive ngayon. Naglilihi ka ba? Aray!" Nahimas ko ang braso kong hinampas niya.

"Sige, wag kang tumigil. Bubugbogin talaga kita diyan mamaya."

"Ito na. Hindi na nga eh. I love you."

"Tse!"

"Aw! Tse talaga?" Kunwa'y nagtatampo ako.

"Ikaw kasi eh! Mapang-asar ka masyado. Sorry na." Paglalambing niya. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti.

"O, anong nginingiti mo diyan?" Nakataas ang isang kilay niya.

"Wala po. Masaya lang po ako."

Lalong tumaas ang kilay niya. "At bakit ka naman masaya?"

"Kasi po, kasama ko ngayon ang pinakamamahal kong babae."

"Saan?" Nang-aasar na nagpalinga-linga pa siya. Kaya kinabig ko siya palapit sa'kin at siniil ng halik sa labi.

"Ikaw. Ikaw iyong pinakamamahal kong babae." Seryoso at nakangiting sabi ko. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi niya.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon