HF41.

812 31 2
                                    

| MARIS' POINT OF VIEW |



"Good morning!" Bungad ni Mccoy sakin pagpasok niya ng room ko.


"Hi! Good morning! Aga mo ah." Bati ko naman sakanya.


"Ah, inagahan ko talaga para maaga din tayong makauwi manaya."


Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon.


Halos tatlong buwan na rin kaming ganito. Palagi siyang pumupunta sa bahay para yayain akong mamasyal sa kung saan-saan. Parang kami pero hindi. Naisip ko rin na mas mabuti ng ganito kami. Kaysa kami nga pero nagkakasakitan naman. Pagkatapos manganak ni Bestie lilipad naman ako papunta sa ibang bansa. Di ko alam kung hanggang kailan ako doon. O kung babalik pa ba ako dito. Medyo malungkot dahil aalis na ako ng pilipinas pero at the same time masaya kasi makakasama ko na ang parents ko. Sa pag-alis ko marami akong mamimiss lalong-lalo na si Mccoy. Pero wala eh, ganoon talaga siguro. Hanggang friends na lang talaga siguro kami. Well, okay naman sakin 'yong ganoong set up. Atleast may time ako na nakakasama siya at nakakausap tulad ng ganito ngayon.


"Maris?!"


"Ha?"


"Anak ng pitong pu't puting tupa kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka pala nakikinig." Napakamot ulong sabi niya.


"Ay, sorry. Ano ba iyon?"


"Nevermind. Baba muna ako maligo ka na para makaalis na tayo." Sabi niya sabay tayo at naglakad palabas ng room ko. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Napaisip naman ako kung ano ba yong kinukwento niya at kung tungkol saan?





| MCCOY's POINT OF VIEW |



Ang amo talaga ng mukha niya. At mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.


"Sya nga pala, sabi ni Loisa dumalaw ka naman daw sakanya minsan. And samahan mo rin daw siyang mag mall. Na bobored yata ang isang 'yon sa bahay. Eh, kasi naman 'tong si Ronnie ayaw pang magpakita kay Loisa." Napatakip ako ng bibig dahil sa huli kong sinabi. At inobserbahan ko siyang mabuti kung ano ang magiging reaction niya. Pero dedma lang ang Ate mo.


"Maris?!"

"Ha?"

Napakamot ako ng ulo.
"Anak ng pitong pu't puting tupa kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka pala nakikinig."


"Ay, sorry. Ano ba iyon?"


"Nevermind. Baba muna ako, maligo ka na para makaalis na tayo." Pagkasabi ko niyon ay naglakad na ako palabas ng kwarto niya. Sakto paglabas ko ay tumunog ang cellphone ko. At rumihistro ang pangalan na halos ilang linggo ko ng hindi nakakausap. Dali-dali akong bumaba ng hagdan diritso sa hardin nina Maris.


Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sinagot ang tawag.


"Hello Ronnie?"




| LOISA'S POINT OF VIEW |



Sunod-sunod na katok kmula sa pinto ng aking silid ang gumising sa'kin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nagbabasa ng libro. Agad akong bumangon at pinagbuksan ang kumakatok.


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon