HF25.

1K 36 3
                                    

-

"Hello? Babe?"

"Ahm, babe kailangan ko munang ibaba 'to."

"Ha? Bakit?"

"Medyo sumama kasi pakiramdam ko. Mag-usap na lang ulit tayo. Bye!"

* call ended *

Napahilamos ako ng mukha.
Hindi ako makapaniwala sa balitang bumungad sa'kin.

* knock knock *

"Kuya? Can I come in?"

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si Loisa.

"Bakit?"

"Kuya, pupunta kami sa laguna ni Ronnie. Baka gusto mong sumama."

"Hindi na, kayo na lang muna siguro."

"Sigurado ka? Makakatulong ang lugar na 'yon para makapag-isip ka ng maayos." Aniya.

"No need."

"Ha? Bakit naman?

"Wala ng dahilan pa para mag-isip."

"Akala ko ba---"

"Buntis si Elisse."

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Loisa. Maging siya hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Really? Kailan pa?"

"Kanina lang niya sinabi. Pero hindi ko alam kung ilang months na siyang buntis."

"Okay ka lang ba?"

"Ha? Oo naman, masaya nga ako eh."

"Talaga ba? Para kasing hindi naman 'yon ang nakikita ko."

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Well, nandyan na 'yan. Wala na tayong magagawa. Congrats!" Aniya.

Pumeke ako ng ngiti. "Salamat."

Tinapik ako ni Loisa sa balikat bago nag paalam.

Loisa was right. Nandyan na 'yan. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Na kahit kailan, hindi na kami magkakabalikan ni Maris. Hanggang doon na lang talaga kami. Bakit kasi ngayon lang? Bakit ngayon ko lang na-realized lahat ng pagkakamali ko kung kailan huli na. Kung kailan hindi na pwede. Bakit?





| LOISA'S POINT OF VIEW |

"Beh?"

"Yes, beh? May sinasabi ka ba?"

"Okay ka lang ba? Kanina pa kasi ako kwento ng kwento dito pero hindi ka pala nakikinig dyan." Tila nagtatampong sabi ni Ronnie.

"Sorry Beh. Iniisip ko kasi si Kuya."

"Bakit? Anong nangyari kay Mccoy?"

"Last night, naabutan ko siyang gising at nakatambay sa pool area. And he asked me something related to him. That time, naawa ako ng sobra sa kanya. Lalo na nung inamin niya sa'kin lahat-lahat." Tumingin ako kay Ronnie. "Beh, inamin niya sa'kin ang totong nararamdaman niya para kay Maris. Nakita ko na totoo siya sa mga sinasabi niya. Pero hindi niya magawang sabihin o ipagtapat 'yon kay Maris for so many reasons. And isa na dun si Elisse, pero alam mo ba? Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa lahat? Yung gigising ka sa umaga na may bubungad sa'yong bad pero good news."

Biglang nangunot ang noo ni Ronnie sa sinabi ko. And binigyan niya ako ng confused look.

"What? I don't get it Beh. Bad but good news at the same time?"

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon