HF32.

818 28 3
                                    

NORMAL POV









Lumipas ang mga araw, linggo hanggang tatlong buwan. Sa nagdaang tatlong buwan, marami ang nagbago. Nagkaayos na sina Elisse at Mccoy. At napagdisisyunan ng dalawa na magpakasal after ng panganganak ni Elisse. Si Maris, nakalabas na ng ospital. At palagi pa rin nakakulong sa kwarto. Pero tumatanggap na siya ng mga bisita. Hindi pa rin daw niya tanggap ang nangyari sa kanya. Pero wala na siyang mgagawa dahil nangyari na. Nakapagdisisyon na rin siyang sumama sa mga magulang niya sa ibang bansa at doon na mamuhay kasama ng kanyang pamilya. Si Loisa, mas naging abala sa trabaho. Kung minsan, nakakalimutan ng kumain dahil sa sobrang sobsob sa trabaho. Si Ronnie, wala ng naging balita si Loisa sa kanya. Simula ng mag cool off sila. At habang tumatagal nawawalan na rin ng pag-asa ang dalaga na muling magbabalik ang binata sa buhay niya.






| LOISA'S POINT OF VIEW |





* knock knock *





"Come in!"




"Ms. Andalio?"




"O, Kira?"



"Good morning po! May biglaang meeting na pinatawag si Mr. Valencia ngayon 10 po ng umaga."




"Ah, ganoon ba? O sige, anong oras na ba?"




"9:50 na po."




"Ganun ba? Okay. Ayusin ko lang 'to. Susunod na ako."




"Sige po Ma'am."




Si Mr. Valencia ang president ng kompanya na pinagttrabahuan ko. Last month kaka-promote ko lang bilang isang HR Director. Kaya mas puspusan ang trabahong ginagawa ko ngayon. Lalo pa at halos sa department ko nanggagaling lahat ng reklamo ng Vice-president. Kaya nakakalimutan ko ng mag lunch minsan dahil lang sa pag-aayos ng mga palpak na ginawa ng mga empleyado ko. Gustuhin ko man tanggalin ang mga palpak kong employees pero naaawa naman ako dahil mawawalan sila ng trabaho. Kaya ayun! Sinasalo ko lahat ng mga palpak nilang trabaho.



Eksaktong 10 ng makarating ako sa conference room. Pasalamat akong wala pa si Mr. Valencia. Masungit pa naman 'yon kapag nala-late ka sa meeting.




Nagbukas ang pinto ng conference room. Kaya sabay-sabay kaming tumayo. Pumasok si Mr. Valencia.



"Good morning Sir!" Sabay sabay na bati namin sa kanya.




"Good morning! Sit down. Nagpatawag ako ng meeting dahil may mahalaga akong ia-anunsyo sa inyong lahat."




"Ito na yata yung naririnig ko sa baba na ipapakilala ni Mr. Valencia na papalit sa posisyon niya." Bulong ni Kamille sa'kin. Isa sa mga director.



Hindi ako umimik.
Tinanguan ko lang siya at sinensyasan na tumahimik muna. Mahirap na kasi kapag nahuli ka ni Mr. Valencia na nakikipag-bulungan during meeting. Ganyan kahigpit si Mr. Valencia.




"Siguro naman, naririnig niyo na ang bali-balitang may papalit na sa pwesto ko bilang president." Panimula ni Mr. Valencia.




HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon