HF2.

2.3K 60 4
                                    


-

"Hmmmm" Daing ko dahil sa sakit ng ulo tapos dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang mukha ng gwapo kong kuya.

"Loisa, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Kuya McCoy. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

"Kuya?"

"How are you? Are you okay? May masakit ba sa'yo?" Nag aalalang sunod-sunod na tanong ni Kuya sa'kin.

"I'm good. Medyo masakit lang ang ulo ko." Nagpalingalinga ako sa paligid. "Where's Maris? Is she okay?" Nag-aalala ko namang tanong kay Kuya.

Hinawakan ako ni Kuya sa kamay. "Just calm down, she's okay."

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Kuya, paano nga pala ako napunta dito?" Seryoso kong tanong. Napatingin din siya ng seryoso sa'kin.

"Andun ako no'ng nangyari ang aksidente . Kadarating lang namin nu'n ni-----"

"Loisaaaaa!" Sabay kaming napatingin sa pinto ni kuya, nang marinig namin ang malakas na pagtawag ni Maris sa pangalan ko. Tapos patakbo siyang lumapit sa'kin at binigyan ako ng nakamamatay na yakap. Paano ba naman, ang higpit makayakap. Akala mo, hindi kami nagkita ng sampung taon.

"Hi" Nginitian niya si Kuya. Napairap na lang ako. If I know crush na crush niya si Kuya McCoy.

"Loisa, labas muna ako." Paalam ni kuya. Tapos tumingin siya kay Maris para magpaalam din dito. Ito namang si Loka ayun, kinikilig! Tsk! Landi over load lang teh!

"Hoy!" Kinulbit ko siya, nakanganga eh! Di joke lang.

"Loisa naman, panira ng moment." Sabi niya sabay pout.

"Hay naku! Sinasabi ko na nga ba eh, may crush ka talaga sa Kuya ko. Di mo lang maamin kasi kapatid ko siya." Sabi ko tapos binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"Di ah." Pagkakaila nito. Sus! Lokohin na niya lahat wag lang ang lelang ko. Dahil malakas yata ang radar nito.

"Sige lang teh, deny pa more. Alam mo, wag mo ng i-deny kasi halata pa sa obvious na crush mo si Kuya." Panunukso ko. Matagal ko na kasing nahahalata na may crush siya kay Kuya, dahil kapag nasa bahay siya tapos andun si Kuya McCoy. Hindi siya mapakali parang kiti-kiti na di mapatae. Kaya, kahit ilang milyong beses pa niyang i-deny 110% pa rin ang paniniwala ko na crush niya ang Kuya McCoy ko.

"Eh ano naman kung crush ko kuya mo? Crush lang naman yon eh." Pabebe nitong pagkakasabi. Binatukan ko nga.

"Aray naman, Loi! Bakit mo ako binatukan?" Sabi niya habang hinihimas-himas ang batok niyang naliparan ng kamay ko.

"Sino may sabi sayong magpabebe ka sa harapan ko? Kakasuka ka di bagay sa'yo." Sabi ko sabay inirapan ko siya.

"O siya, maiba ako. Bakit nga pala hindi mo nabanggit sa'kin na mayroon pala kayo darating na hunk na bisita?" Sabi niya na nanginginang pa ang mga mata. Tila ba may ini-imagine. Pero ano daw hunk? Baka hulk. Whatever baka naka shabu tong bestfriend ko.

Pero bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Iniisip ko kung may darating nga ba kaming bisita that time. Pagkakatanda ko kasi, wala kami darating na bisita kahapon. Di naman kaya naduling lang tong si Maris at dumalawa ang tingin niya kay Kuya McCoy. Bakit? Eh hunk din naman Kuya ko ah.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon