| MARiS' POiNT OF ViEW |
Lunch break >.<
Naglalakad ako ngayon sa hallway at hinahanap ko si Bruhang Loisa, kalurke iniwan ba naman ako sa room. Sabi ko wait lang at aayusin ko lang gamit ko. Aba't mamukat-mukat ko'y wala na ang loka nag dissapear.
Well, dahil nga good observer daw ako sabi ni Author este ni Ma'am Kim (Author/Teacher) natin. Echos! Nakita kong wala sa sarili niya kanina si Loisa, wala siya sa focus habang dini-discuss ni Ma'am ang lessons namin kanina. At dahil nga good observer ako, malakas din ang radar ko kapag may problema yang si Lukaret na Loisa na 'yun.
Well, andito na ako malapit sa Canteen, dahil nga lunch break naming mga stupidyante este studyante sisilipin ko kung nandito ang hinahanap ko.
Pagpasok ko palang sa loob samu't-saring ingay ang maririnig mo. Mayroon yong grabe crush ko na talaga si ganito, si ganyan etc. Hay! Minsan, iniisip ko lang 'yong totoo? Pumasok ba ang mga bata sa school para makipag L o mag A ng mabuti. Whatever! Wala na akong paki du'n kung nakikipag L man sila. Di naman ako ang ma B pagdating ng araw.
Hay! Nahihilo na ako kakaikot dito sa Canteen pero ni kuko ng babaeng yon hindi ko nakita.
Siguro, nakikipaglaro na naman sa'kin 'to ng tagu-taguan. Well, kung ganun nga eh, wala aketch sa mood.
(Light bulb)
Wait a minute, kung hindi nga naman ako shunga't kalahati, no? May phone naman bakit pa ako nagpapakahirap sa paghahanap eh, samantalang isang pindot ko lang malalaman ko na kung saan naroon si Loisa.
Dialling...
Bestie LoiskieThe number you have dial...
Putik ! Nakapatay pa.
1
2
3
Ok. I admit, sometimes kahit may phone ka, wala rin itong silbi lalo na kung ang tinatawagan mo hindi makontak.
Hay, Loisa nasaan ka na ba? Saan lungga ka na naman ba nagtatago?
(Light Bulb)
Aha! I know where she is now.
| LOiSA'S POiNT OF ViEW |
Malungkot ang paligid.
Sumasabay ang hangin sa aking kalungkutan. Damang-dama ko ito habang dumadampi sa aking pisngi.Andito ako ngayon sa rooftop. Nagninilay-nilay, hindi ko alam kung hanggang kailan ko iiwasan ang nakaraang pilit na ibinabalik sa'kin ngayon ng panahon.
Humugot ako ng malalim na hininga. Gusto ko, sa pamamagitan nito kahit paano'y maibsan ang bigat na nararamdaman ko.
Mayroon lang ako isang oras, para makapag-isip ng tamang gawin. Hindi kasi pwede na palagi na lang akong umiiwas. Dapat matuto rin akong harapin ito ng walang takot.
"Argh!"
"Problem?" Napalingon ako sa nagsalita. At bahagya akong nagulat nang makilala siya, si Joshua. Ang pinakasikat na studyante dito sa school. And classmate ko at the same time.
"What are you doing here?" Tanong ko sa'kanya. Tumingin siya sa'kin atsaka ngumiti.
"I said, what are you doing here? Why are you here?" Magkasunod na tanong ko.
"Woah! Chill. I'm not here to bother you." Tumingin siya sa malayo. "I'm here kasi tulad mo, gusto ko rin mapag-isa at makapag-isip. Hindi ko naman alam na nandito ka." Tumingin siyang muli sakin, pero nag-iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018