HF20.

1.4K 48 7
                                    

| JOSHUA'S POINT OF VIEW |

Kanina ko pa nililibot 'tong resort pero ni anino ni Loisa hindi ko pa nakikita. Nasaan na kaya ang babaeng 'yon? Nag-aalala na ko sa'kanya.

Namulsa ako pagkatapos nagpatuloy sa paglakad. Mula sa kalayuan may nakita akong babaeng nakatayo at tila may pinagmamasdan sa batuhan.
Hindi ko maintindihan pero may kung anong nagsabi sakin na pumunta sa kinaroroonan niya. Nang makalapit ako atsaka ko lang nakita ng malinaw ang tinatanaw niya. Bahagya pa akong nagulat nang makilala ang dalawang tao na magkayakap. Sina Loisa at Ronnie. Kaya pala hindi ko siya makita. Kasama pala niya si Ronnie. Nakaramdam ako ng kirot sa kaibuturan ng puso ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari si Ronnie pa rin talaga. Si Ronnie at tanging si Ronnie lang ang kaya niyang mahalin. Masakit man sa'kin na matuklasan ang katotohanang ito. Pero sa tingin ko, kailangan ko na talagang sumuko. Kailangan ko na siyang isuko. Pinahid ko ang luhang namuo sa mata ko pagkatapos tumalikod at dahan-dahang naglakad palayo.

Paalam Loisa! Mahal kita pero alam kong nagmamahalan kayong dalawa. Masakit man 'to para sakin. Pero masaya ako dahil alam kong magiging masaya ka na ulit.

---

| SUE'S POINT OF VIEW |

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakamasid sa'kanilang dalawa. Masayang-masaya ako na gawin ang bagay na alam kong makapagpapasaya sa'kanya. Sinubukan ko siyang paibigin pero sa huli mas matimbang pa rin ang pagmamahal niya para kay Loisa. Sa mahigit tatlong taon na kasama namin siya ni Arthur. Hindi ko naiwasan na mahulog sa'kanya. Pero syempre wala siyang kasalanan dun. Higit sa lahat hindi niya alam ang tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa'kanya. Napatakip ako ng bibig ng muntik ng mamutawi sa aking labi ang aking pag tangis.

Mahal na mahal kita Ronnie.
Pero alam kong mas magiging masaya ka kung makakasama mo ang tunay na minamahal mo.
Maraming salamat sa lahat-lahat.
Hinding-hindi kita makakalimutan.
Paalam mahal ko!

Pinahid ko ang luhang umagos sa pisngi ko.
Pagkatapos tumalikod at naglakad ako palayo sa lugar na 'yon.

---

| LOISA'S POINT OF VIW |

"I love you Loisa."

Nginitian ko siya. "I love you too."

Nginitian niya din ako. "Peksman mamatay man si Superman?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Superman talaga?"

Tumango siya. "Oo, ayaw ko kasing mamatay si Batman."

Nangunot noo ko. "Bakit naman?"

"Kasi ako si batman. Batman ng buhay mo." Tapos tumawa siya pagkasabi niya nun.

Inirapan ko siya. "Corny mo."

"Mahal mo naman."

Hindi ako nakaimik.

"I love you Loisa ko!"

Tinitigan ko lang siya sa mga mata at hindi ako kumibo.

"I love you!" Ulit niya.

Hindi pa rin ako kumibo nakatitig lang ako sa'kanya.
Baka kasi nananaginip lang ako tapos malapit na kong magising. Kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon na kaharap at kayakap ko pa siya.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon