HF45.

841 33 6
                                    

| RONNIE's POINT OF VIEW |



Anim na buwan na ang nakalipas ng mawala ang prinsesa ng buhay namin. At sa anim na buwan na lumipas. Hindi ko pa rin nakikita at nakakausap ang kanyang ina. Naduduwag kasi akong kausapin at magpakita sa kanya pagkatapos ng mga nangyari. At sobrang namimiss ko na siya. Namimiss ko na si Loisa.



flashback


"Kumalma ka Ronnie."



"Paano ako kakalma kung wala na ang baby namin ni Loisa? At kasalanan ko kung bakit siya nawala samin. Kung hindi ko sana---"



"Tama na Bro. Tandaan mo si Baby Princess lang ang nawala. Andyan pa si Loisa, kaya dapat mag pakatatag ka dahil kakailanganin ka niya."



"Hindi ko alam Bro. Hindi ko alam."



Inasikaso ko ang burol ni baby princess habang inaasikaso ni Mccoy ang mga bayarain sa ospital. Unconscious pa rin si Loisa, sanhi marahil sa mga gamot na tinurok sa'kanya.



Tatlong araw din naming binurol si baby princess bago ipinalibing. Pero sa tatlong araw na 'yon hindi pa rin nagigising si Loisa. Hindi rin alam ng mga Doctor kung bakit? Maayos naman ang tests na isinagawa sa'kanya. Dapat kinabuksan after ng operation ay nagising na siya. Pero naiburol at nailibing na ang aming anak ay wala pa rin siyang malay.



Pagkatapos ng libing ay dinalaw ko siya sa ospital at inaalam ang kalagayan niya. Ang sabi ng Doctor nag re-response na ang katawan niya sa mga gamot na in-inject sa'kanya. At malaking pasasalamat 'yon sa diyos. At kinabukasan din no'n ay nagising siya. Agad niya akong hinanap pero nag dalawang isip akong magpakita sa'kanya. Kaya't nag dahilan ako kay Mccoy na may urgent meeting sa pampanga nung araw na 'yon. Kahit ang totoo wala talaga. Noong araw na nagising siya sinabi ni Mccoy ang nangyari sa aming anak. Hindi raw 'yon natanggap ni Loisa at nag hysterical siya. Nakaramdam ako ng awa ng malaman 'yon. Gusto ko siyang puntahan para damayan pero hindi ko nagawa. Pakiramdam ko wala akong mukhang ihaharap sa'kanya dahil sa nangyari. Hanggang lumipas ang mga araw at linggo.



Isang araw, tumawag si Mccoy sa'kin para ibalita na nakalabas na ng ospital si Loisa. Nakiusap siya sa'kin na dalawin ko ang kapatid niya. Pero tulad ng mga nauna hindi pa rin ako nagpakita sa'kanya. Hanggang umabot na ng anim na buwan.


end of flashback



Knock Knock


"Come in!"


Umayos ako ng pagkakaupo at kunwari busy sa pagt-type sa laptop.


Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa'kin.



"Lydia, tapos mo na ba ang mga pinapagawa ko sa'yo." Tanong ko sa'kanya paglapit. Hindi ko na kailangan tingnan kung sino ang pumasok sa office ko. Alam ko namang si Lydia lang 'yon. Ang sekretarya ko.



"Lydia, bakit---"



"Ronnie?"




Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na tinig ng isang babae. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at bumungad ang mukha ng babaeng matagal ko ng hindi nakikita.


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon