HF22.

1.1K 44 6
                                    

| MARIS' POINT OF VIEW|


"Sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo?" Tanong ni Loisa.

"Oo Loi." Tugon ko.

"Mamimiss kita." Malungkot na saad nito.

"Ano ka ba naman, may computer naman oh! Pwede pa rin tayong makapag-usap."

"Pero iba pa rin yong nandito ka."

Nilapitan ko siya. "Wag ka na malungkot. Next month pa naman yon eh." Sabi ko.

"Kahit na. Madali lang kaya matapos ang buwan."

"Wag kang mag-alala kapag kinasal na kayo ni Ronnie aatend talaga ko."

"Sira! Matagal pa yon."

"Malay mo, nagbabalak ng mag propose."

"Sus! Kahit anong panglilibang gawin mo. Hindi maaalis 'tong lungkot na nararamdaman ko."

Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Wag  ka na malungkot."

Bumuntong-hininga siya.
"Kung sana hindi kayo naghiwalay ni…sorry Bestie."

I smiled at her. "It's okay."

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ni Loisa. Pero matagal ng tapos yon. Ayoko ng isipin pa ang mga nangyari sa nakaraan. Dahil hindi ko na maibabalik pa ang matagal ng nagtapos. Marahil hanggang doon lang talaga ang kwento naming dalawa.

Humiwalay sa yakap ko si Loisa ng tumunog ang cellphone niya.

"Sagutin ko lang 'to."

"Sige."

Pag-alis ni Loisa ay tumunog rin ang cellphone ko.

-----
From : Jon.
Okay na.

-----

To : Jon.
Thanks!

-----

"Hay naku! Ang kulit talaga ni Ronnie." Sabi ni Loisa pag bungad.

"Bakit naman?"

"Pinipilit akong sumama sa reunion nilang magkakaklase nung high school."

"O, bakit ayaw mo ba?"

"Eh, ayoko! Mabuti sana kung may kilala ako doon."

"Bakit? Andun naman kuya mo ah."

"Kahit na! Ayoko pa rin."

"Ikaw bahala! Mamaya makahanap ng maganda yon doon."

"Subukan lang niya. Pagbubuhulin ko silang dalawa."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Relax. Kung pwede lang akong sumama dyan. Aba sa---"

"Oo nga noh! What if sumama ka nga para naman may kasama din ako at hindi ma-op doon."

"Ano? No way."

"Please Bestie!"

"Ayaw!"

"Sige na!"

"Hay naku Loi---"

"Sige na, kapag sumama ka, kakalimutan ko lahat ng utang mo sakin since grade school."

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon