| JOSHUA'S POINT OF VIEW |
"Joshua, saan tayo pagkatapos ng practise?" Tanong ng isa kong teammate. Nandito kasi kami ngayon sa gym tamang practise para sa darating na sports fest.
YOU HAVE A MESSAGE (2×)
(MESSAGE TONE KO YAN)[Joshua, kung mahal mo ang girlfriend mo puntahan mo siya ngayon dito sa hide out namin. Ikaw lang mag-isa, bawal magsama kundi yari 'tong chix mo sa gangmates ko.]
From : 0927*******
---Bigla akong nakaramdam ng kaba.
Teka, girlfriend? Wala naman akong girlfriend ngayon ah?
[Are you insane? Wala akong girlfriend ngayon. And who's this?]
Sent To : 0927*******YOU HAVE A MESSAGE (2×)
[Ah talaga? E sino 'tong babae na nagngangalang Loisa Andalio, ang kasama ko ngayon? Maganda, maputi, matangkad at sobrang kinis. Swerte ng mga gangmates ko kapag nagkataon. :D]
~blaaaammm~
"Joshua bakit? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Dennis, pero hindi ko siya sinagot.
"Dennis, aalis lang ako saglit ikaw na munang bahala dito." Tinap ko siya sa balikat bago ako lumabas ng gym.
Kailangan kong mailigtas si Loisa. Hindi siya dapat madamay dito.
| LOISA'S POINT OF VIEW |
Napangiwi ako sa sakit ng likod ko. Awts! Pagmulat ng mga mata ko bumungad sa'kin ang madilim at mabahong silid. Hindi rin ako makagalaw dahil sa higpit ng pagkakatali sa mga kamay at paa ko.
"Miss Beautiful, gising ka na pala."
"Sino ka?" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko ang creepy nyang boses.
"Ops! Natatakot ka ba? Gusto mo ng hug?" Sabi nito na unti-unting lumalapit sakin.
"Tulonggggggggg!" Sigaw ko bago pa man siya makalapit.
"Lintik ka!"
PAK
Sinampal niya ako ng sobrang lakas. Naramdaman ko ang unti-unting paghapdi ng pisngi ko dahil sa sampal ng hindi ko kilalang lalaki.
"Anong nangyayari dito?" Tinig naman 'yon ng isa pang lalaki na kakapasok lang. Pero hindi ko maaninag ang mukha dahil madilim sa kinatatayuan niya.
"O, anong ginawa mo dyan?" Medyo pagalit na Tanong nito do'n sa pangit na lalaki.
"Sinampal ko, ang ingay eh.!" Sagot ni pangit.
"Gago! Lagot ka kay boss niyan.!" Sabi naman nu'ng isang lalaki.
"Hindi ko napigilan, eh."
"Gunggong ka talaga. Umalis ka nga dyan at ako na ang magbabantay sa'kanya."
"O sige, ikaw ng bahala diyan, ah?"
"Oo."
Pagkatapos nilang mag-usap lumabas na si Creepy Voice.
At siya namang lapit sa'kin ng lalaking magbabantay kuno sa'kin.
"Hey, are you okay?" Hindi ako umimik sa tanong niyang 'yon. Kasi obvious naman na hindi ako okay itatanong pa. Hays!
Lumapit siya sa'kin, as in sobrang lapit pagkatapos inalis niya sa mukha niya ang nakatakip na panyo sa kanyang bibig.
Isang gwapong nilalang ang bumungad sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018