-
Agad kong niyakap si Joshua.
Grabe sobra kong na-miss ang kulukoy na 'to. Almost 5 years din siyang nawala. Dahil mas pinili niyang mag-aral abroad kaysa dito sa sarili niyang bansa."O, easy." Natatawang sabi niya.
"Sorry. Na-miss lang talaga kita. Kailan ka pa nakabalik? And anong ginagawa mo dito?"
"Kagabi lang ako dumating. Didiritso nga sana ako sa bahay niyo. Kaya lang masyado ng late kaya hindi na ko tumuloy."
"Gano'n ba? Eh, kung gano'n? Anong ginagawa mo ngayon dito?"
"Sinundan kayo."
"Sinundan kami?"
"Oo, pumunta ako sa'inyo kanina. Kaya lang hindi ko na kayo naabutan. Sabi ng kasambahay niyo kakaalis niyo lang daw. Kaya tumawag ako sa Kuya mo. Tapos sinabi naman sa'kin ni Kuya McCoy kung saan kayo pupunta. Tapos bumyahe agad ako papunta dito." Nakangiting paliwanag ni Kulukoy.
"Ikaw talaga! Bakit hindi mo man lang ako tinext?"
"Gusto kasi kitang masorpresa."
"Ganoon?"
"Yup." Hinawakan niya ako sa kamay. "Halika! Sumama ka sa'kin."
"Ha? Saan naman tayo pupunta?"
"Basta." Nginitian niya ko ng nakakaluko.
Dinala niya ko sa cottage niya.
Tapos iniwan ako sandali dahil may kukunin daw siya. Pagbalik niya malapad ang ngiting lumuhod siya sa harap ko."Miss Loisa Andalio," Huminto siya sa pagsasalita at tumingin ng seryoso sa'kin.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo?" Bigla akong kinabahan. Sa itsura kasi ni Joshua ngayon daig pa niyang nag...wait, hindi nga kaya.
Bigla akong napatakip ng bibig ko.
He smiled at me. "Congratulations!" Sabi niya sabay tawa.
Nanggigigil naman ako nahampas siya sa braso. Tawa naman siya ng tawa na tumayo pagkatapos kinuha yong singsing sa maliit na kahon. At kinuha ang kaliwang kamay ko. Tapos dahan-dahan niyang isinuot sa palasing-singan ko ang singsing na regalo niya sa'kin. Tuwang-tuwa naman akong niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you!" Bulong ko.
"Excuse me? Nakakaistorbo ba ako?" Sabay kaming napabitiw sa yakap ng marinig namin ang tinig ng isang babae.
Napasimangot ako ng makita ang nakangiting mukha ni Elisse.
"Hi Kuya McCoy!" Bati naman ni Joshua sa papalapit na si Kuya.
Napalingon naman si Elisse sa likuran niya. "Babe?" Sabay lapit kay Kuya. "Saan ka ba nanggaling?" Malambing na tanong niya kay Kuya. Pero para sa'kin hindi gano'n yung dating. Kaya lalo akong nainis.
"Anong ginagawa niyo?" Seryosong tanong ni Kuya samin ni Joshua.
"Ah,---"
"Wala." Matipid kong tugon atsaka hinila si Joshua palayo sa'kanila. Naiirita na ko sa pagsusungit niya ng walang dahilan.
"Loisa?" Tawag ni Kuya sa pagalit na tono. Pero hindi ko siya pinakinggan mas lalo ko pang binilisan ang paglakad habang hila-hila si Joshua.
Nang makalayo na kami ay saka ko lang binitawan kamay ni Joshua.
"Loi, is there a problem?"
I took a deep breath. "Nothing." Sagot ko.
"And wait, who's that girl kanina? I thought Maris and---"
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018