-
Gabi na kami nakauwi ni Josh. Sakto pagbaba ko ng kotse kararating rin lang ng sasakyan ni Kuya Mccoy.
"Oh, Kuya Mccoy?" Tawag ni Joshua sakanya.
"Josh ikaw pala, kailan ka pa bumalik?"
"Kahapon lang."
"Kumusta?"
"Heto ayos naman."
"Oh, paano Loi, ikaw na muna bahala kay Joshua. Mauna na akong pumasok at gusto ko ng magpahinga." Paalam ni kuya.
"Sige."
Base sa itsura ni kuya parang may hindi magandang nangyari.
"Okay lang ba talaga kuya mo?" Tanong ni Josh. Mukhang nahalata din niya ang pagiging matamlay ni kuya.
"Sabi niya." Sagot ko.
"Sya, alis na rin ako, Loi. Thank you. I had so much fun." Aniya.
"Thank you din Josh. Ingat ka."
Hinintay ko lang na makaalis si Joshua bago ako pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay naabutan ko si Kuya na nakaupo sa sofa habang may bitbit na basong may laman na alak.
"Kuya?"
Hindi siya umimik kaya nilapitan ko na siya.
"May problema ba?"
Umiling-iling siya. "Wala. Wala lang 'to."
"Kuya, tayong dalawa na lang ang nandito. Wala ka pa rin bang balak na sabihin?"
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos humarap siya sakin na seryosong-seryoso ang awra.
| MCCOY's POINT OF VIEW |
"Kasama ko si Maris kanina." Panimula ko.
"Alam ko 'yon." Tugon ni Loisa na seryoso ring nakatingin sakin. "What happened?" She asked.
"Dinala ko siya sa park kung saan kami nag-umpisa. Pagkatapos hiniling ko sakanya na balikan ang dating kami kahit ilang minuto lang." Tumigil ako sa pagsasalita ng maalala ang mga nangyari kanina sa park.
* flashback *
"Naalala mo pa 'to?" Turo ko sa swing kung saan sila naglalaro ni Loisa noong mga bata pa sila.
"Dito ka madalas pumwesto." Tinuro ko ang swing sa kaliwang bahagi. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pag seryoso ng mukha niya habang nakatitig dito. "Naaalala mo pa ang sinabi ko sa'yo nung gabing umuulan?"
Napatingin siya ng diritso sa mga mata ko. Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Sa lugar ko na 'to nakita ang babaeng gusto kong makasama sa pagtanda."
"Mccoy?"
"At alam mo ba kung sino 'yon?"
Umiwas siya ng tingin at hinigit ang dalawang kamay niya. Pero pinigilan ko siya at pinilit ko siyang paharapin sakin. "Ikaw ang babaeng 'yon Maris."
Buong lakas niyang hinigit ang mga kamay niya at tumalikod sakin.
"Maris mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita."
BINABASA MO ANG
HIDDEN FEELINGS (COMPLETED)
FanfictionIt's a Fictional Story Of Loisa and Ronnie. StartedDate: May 2017 FinishDate: May 2018