HF30.

977 31 3
                                    

| MARIS' POINT OF VIEW |



* knock knock *


"Maris si Yaya Meng mo 'to."



Naupo ako sa kama at hinintay na pumasok si Yaya.



Nakangiti si Yaya ng makita ako pagpasok niya. May bitbit siyang supot at isang basket na prutas.




"Kumusta ang pakiramdam mo?"



"Medyo mabuti na po."



"Natutuwa akong marinig 'yan."




"Sila Mama't Papa po? Nasaan po sila?"



Inayos ni Yaya ang mga dala sa mesang naroon. Pagkatapos lumapit siya sa'kin at naupo sa gilid ng kama ko.



"Nasa presinto ang mga magulang mo. Inaalam nila ang kaso tungkol sa pagkakasagasa sa'yo."



Nalungkot ako ng marinig 'yon. 2 weeks ago ng masagasaan ako malapit sa park. Kagagaling ko lang nun sa bahay nina Loisa. Masamang-masa ang loob ko matapos kong malaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Elisse. At sa tuwing naiisip ko 'yon mas lalo akong nasasaktan.



"Hija, okay ka lang? Bigla kang nanahimik dyan?"




"Yaya?"



"Hmmm?"



"Nakilala na po ba ng mga pulis ang may-ari ng pulang kotse na sumagasa sa'kin?"




Hinawakan ako ni Yaya sa kamay. "Hindi pa Hija. Wala pa rin nakukuhang lead ang mga pulis. Malalabo kasi ang kuha ng mga kalapit na cctv sa pinangyarihan ng aksidente. Kaya hindi masyadong maaninag ang plate number ng nasabing kotse. Pero ginagawan naman ng paraan ng mga pulis. Para mahanap nila ang walang puso na gumawa nito sa'yo."




"Wag na po tayong umasa."



"Hija?"



"Hayaan na lang natin na diyos ang mag parusa sa kanya."



Nawalan ng imik si Yaya.
Maya-maya ay nabalot ng katahimikan ang buong silid. Nabasag lang 'yon ng dumating ang nurse na maglilinis at magpapalit ng benda ko sa paa.



Pag-alis ng Nurse ay muling naupo si Yaya Meng sa tabi ko.



"Hija, kailan mo pala balak na tumanggap ng bisita? Palaging nagpupunta si Loisa dito ang boyfriend niya. Ganoon rin si Jon na palaging tumatawag sa bahay at tinatanong ang kalagayan mo."




"Hindi ko po alam, Yaya. Parang hindi ko pa po kasi kayang humarap sa kanila. Parang, hindi ko na nga po kayang humarap sa kanila kahit kailan."




"Pero Hija---"



"Wag na po muna nating pag-usapan Yaya. Ayaw ko pong masyadong mag-isip ngayon. Gusto ko po munang ma-refresh yung utak ko. Para mas madali akong makapag-isip. Sa ngayon, kayo na lang po muna ang humingi ng pasensya at pang-unawa sa kanila. Someday, baka sakali, kapag tanggap ko na kung ano ako ngayon. Matuto na rin po akong tumanggap ng bisita."



HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon