HF29.

816 32 6
                                    

| LOISA'S POINT OF VIEW |

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang aksidenteng nangyari kay Maris. After ng operasyon niya, tulad ng inaasahan hindi natanggap ni Maris ang nangyari sa kanya. Hindi namin siya makausap ng maayos. Hanggang sa hindi na nga siya tumanggap ng bisita. Tanging mga magulang at si Yaya Meng lang ang nakakapasok sa silid niya maliban sa mga Nurses at Doctor na tumitingin sa kanya. Sinubukan ko siyang kausapin pero itinaboy niya ako. Masakit 'to para sa'kin. Pero inunawa ko na lamang siya. Hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon. At labis akong nasasaktan para sa kanya. Pero wala naman akong magawa.

* knock knock *

Agad akong bumangon at pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok sa labas ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang gwapo kong boyfriend.

"Good morning Beh!"

Napasimangot ako. "Anong good sa morning?"

"Sungit naman!"

"Ba't aga mo yata?"

"Nakalimutan mo na?"

"Ang alin?"

"Ay,nakalimutan mo nga." May pagtatampong sabi niya.

Tapos bigla kong naalala na may lakad pala kami ngayong araw.

Napatampal ako sa noo.
"Oo nga pala, sorry beh. Napasarap kasi ang tulog ko."

"Ano pa bang bago? Pagdating sa atin palagi ka naman nakakalimot eh."

Nginitian ko siya sabay sundot ng tagiliran niya.
"Tampo ka na niyan?" Pang-aasar ko.

Pero dedma niya ako.

"Uy, Bebeh ko?"

Pinaharap ko siya sa'kin.
Pero humalukipkip lang siya.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang gawin 'to. Hinalikan ko siya sa lips.

"Wag ka na magtampo."

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. At nabigla ako ng kabigin niya at siilin ng halik. Pagkatapos pinagdikit niya ang mga noo naming dalawa. Atsaka hinaplos ang pisngi ko. At muli niya akong siniil ng halik. Pero mas matagal at punong-puno ng pagmamahal.

"I love you." Sabi niya habang magkahinang ang mga labi namin.

Hindi ako nakaimik.
Napangiti lang ako.

"I love you, my bebeh!" Ulit niya.

"I love you too." Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi bago humiwalay sa pagkakayakap niya.

"Saan ka pupunta?"

"Maliligo. Sama ka?"

"Sige, gusto ko 'yan."

Napataas ang kilay ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Sapak you want?"

Nagkibit-balikat siya. "Sabi ko nga, hindi pwede."

"Good."

Dumiritso ako sa cabinet at naghanap ng isusuot. Simpleng blouse and maong pants lang ang isusuot ko. Pagkatapos kong makapamili ng isusuot. Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo.

HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon