HF28.

967 38 1
                                    

---

Pagdating sa ospital.
Dumiritso agad kami sa ER. Bumyahe kami ng mahigit dalawang oras para makarating agad sa maynila.

Sinalubong kami ng Yaya ni Maris.

"Loisa?" Agad kong niyakap si Yaya Meng.

"Si Maris po?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa emergency room pa rin. Hindi pa lumalabas ang doctor kaya hindi ko alam kung ano ng kalagayan niya." Aniya.

"Ano po kayang nangyari sa kanya?" Nag-alalang sabi ko.

"Ang sabi ng mga pulis na nandito kanina. Ayon daw sa mga naka-saksi, sinagasaan daw si Maris ng isang pulang kotse. Tumilapon ang alaga ko pagkatapos mabilis na itong tumakas." Maluha-luhang kwento ni Yaya Meng.

"Ganoon po ba? Sino naman po kayang walang puso ang gumawa nito sa kanya?" Nagngingitngit kong sabi.

"Beh, samahan mo muna si Yaya Meng dito. Bibili lang ako ng tubig sa labas."



"Sige beh."

Pag-alis ni Ronnie ay tumabi ako kay Yaya Meng.

"Saan po nangyari ang aksidente?"

"Sa village natin. Malapit na sa Park."



Bigla akong kinutuban.


"Park? Ano naman po kayang ginagawa ni Maris doon?"


"Hindi ko rin alam, Loisa. Basta nag paalam lang siya kaninang umaga. Tapos, sa'yo ko na nalaman ang nangyari sa kanya."



Bigla tuloy akong napa-isip.
Kung paano nangyari 'to kay Maris? At ano naman ang motibong ng may-ari ng pulang kotse para sagasaan niya ang kaibigan ko?


"Beh?"


Napatingin ako kay Ronnie na kakarating lang at may dalang bottled watter. Agad ko 'yong kinuha at iniabot kay Yaya Meng.


"Yaya, inom po muna kayo ng tubig. Para kahit paano kumalma kayo."


"Salamat Loisa."


"Wala pong anuman Yaya Meng."


"Ikaw beh, okay ka lang ba?"


"Hindi. Hindi ako okay. Knowing na, nasa critical condition si Maris. Hindi ako magiging okay."


Agad akong niyakap ni Ronnie.
"Wag kang mag-alala. Matapang si Maris, I'm sure lalaban siya."


"Sana nga! Sana nga Beh."


Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng ER. Mabilis akong napatayo.


"Sino dito ang kamag-anak ni Ms. Maris Racal?" Tanong ng Doctor.


Mabilis namang lumapit si Yaya Meng.


HIDDEN FEELINGS  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon